Results 51 to 60 of 292
-
June 20th, 2012 03:15 PM #51
walang kasi gusto mag sugal sa R&D
sayang pera
matapos mo pondohan ng ilan taon ang pag develop ng isang produkto kokopyahin lang ng China hehe
-
June 21st, 2012 09:43 AM #52
Lahat naman ng technology related stuff ay prone to reverse engineering. Instead na dyan ilagay ang pera, eh ibibili na lang ng bagong Hermes na bag.
Cultural problem nga talaga kasi for 60 years, di man lang nag-evolve yung jeepney. Ayaw umisip ng ikabubuti tas ayaw pa maglabas ng pera. Parang sapat na yung bulok na kaisipan. LOL
-
June 21st, 2012 10:05 AM #53
Yan ang Filipino "pwede na yan" attitude. Basta umaandar at pwedeng pagkakitaan, kahit na 99% itim na usok lumalabas, sumusuka ng langis, coolant at krudo ang makina, kalbo mga gulong, dome light lang ang ilaw sa gabi, at kalahating dosenang bomba sa preno bago kumagat... "pwede na yan".
I think that "Filipino ingenuity" is overrated and many have already forgotten what it really means.. or rather, what it should mean.Last edited by oj88; June 21st, 2012 at 10:08 AM.
-
June 21st, 2012 10:18 AM #54
like i said pinoys are leisure oriented, end-user consumption oriented
kita mo mga businesses dito sa Pinas -- puro malls, restos, bars, retailers
we are a nation of traders. bili-benta. hindi produce-benta
unlike other Asian economies that are goods producers for the world
money flows into their economies from selling stuff to the world
ang Pinas naman overseas labor ang source ng money flow (and service sector - BPO)
and the money doesnt get invested. it goes directly to end use consumption
asa pa tayo magkakaroon ng innovation and reverse engineering sa atin
wala naman pera napupunta sa ganyan ventureLast edited by uls; June 21st, 2012 at 10:23 AM.
-
June 21st, 2012 05:53 PM #55
may kakilala ako na nag-work dati sa isang malaking kumpanya ng bakal somewhere in the south. meron daw Korean na naging trainee duon several years back. pagkalipas ng mga ilang taon bumalik bilang consultant kasi nag-hire yung kumpanya ng Korean company para tingnan kung ano problema sa planta. nagulat daw yung Koreano kasi dun lang daw siya natuto tapos nung bumalik siya walang naging improvement samantalang sa kumpanya daw nila sa Korea na-improve na nila yung machineries kasi ni-reverse engineering nila. dito sa atin, basta tumatakbo at gumagana pa sige lang.
sa maraming bagay ganun tayo status quo na lang- maging sa buhay ng mahihirap tanggap na nila na ganun na sila; sa mga binabahang lugar sasabihin maliit pa ko ganyan na yan kaya wala ng naisip na solusyon, ang makalumang transportation system natin na walang improvement at marami pang iba.
-
June 21st, 2012 08:20 PM #56
Basic example lang yung Jeep...
Sa Japan... Mitsubishi gets underlicense from Willys to build jeep... Mitsubishi used what they learned, progresses to Pajero line.
Sa Korea... Hyundai gets underlicense from Mitsubishi to build Gen 1 Pajero/Galloper...Hyundai used what they learned and progresses to Sta Fe and Veracruz.
Sa Philippines...Sarao finds nothing wrong with the Jeepney... Jeepney pa rin... :PLast edited by Monseratto; June 21st, 2012 at 08:24 PM.
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Jul 2003
- Posts
- 2,267
June 21st, 2012 09:23 PM #57natumbok mo brader hehehe
regarding real R&D, mahina or halos wala sa atin yung industry-academia partnership. halos lahat ng R&D ng industry in-house.
dito sa Japan (tsismis lang hehehe), lalapit si Nissan etc sa isang professor para may ipa-research (mostly basic research lang). si professor i-reresearch yun at ang research assistant niya ay yung graduate students. ewan kung kanino ang patent pero andali ng usapan nila. kung sa atin yun, kung sinu-sino pa ang makikisawsaw.
-
June 21st, 2012 09:58 PM #58
tanong lang mga bro, sa palagay nyo ano ang kailangan sa atin para mag-jumpstart ang research and development / duplication?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Aug 2011
- Posts
- 674
June 22nd, 2012 09:49 AM #59
-
June 22nd, 2012 10:21 AM #60