New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 34 FirstFirst 12345678915 ... LastLast
Results 41 to 50 of 332
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #41
    sa questions ni boeing... depende sa need ng company, gaya ngayon kahit walang experience kinukuha nila kasi almost 95% na yata ng oil drilling rigs merong contract so hirap sila kumuha ng mga tao, at madaming nag-retire past few years at hindi naman sila nag-train ng bago.

    15 years ago puro trainees ang hire ng company namin sa pinas, sama ako dun 27 yrs old ako nun. so kahit na sa airconditioning ang experience ko e nakuha ako na trainee chief mechanic sa oil rig. yun lang nga first day ko pinagapang ako sa langis at grasa ehehehehe! enjoy naman kahit mahirap ang training. ngayon sa company namin meron ako 2 trainee sa department ko. puro bata pa. yung pinsan ko 34 na sya pero dami nya experience sa diesel engines, makina ng barko ginagawa nila sa wartsila. nag-work din siya nuon sa napocor. afaik wala age limit basta papasa ka sa medical. lalo na kung meron ka experience sa related fields.

    for mechanical department - diesel power, turbines, pumps, cranes and lifting equipment, compressors, etc. sa electrical/electronics dept - electronics measurements and calibration, electrical switchgear and DC motors controls, SCR systems, synchronous ac motors controls, plc programming and automation, etc, etc. sa mga malalaking oil rigs meron pang hydraulics engineers saka electronics technicians, dami na kasing equipment dun. meron din subsea department (blow out preventer valves, etc) saka barge dept (marine engineering grads and able seaman) pag sa drilling department naman usually petroleum o kaya mining engineers dun. pero mga old timers na drillers karamihan high school graduate lang (na may utak). experience after all is worth more than education lalo na mostly hands-on ang petroleum drilling industry.

    dagdag ko sa sinabi ni nightrock na trabaho ng wireline operator: logging-while-drilling, well logging, well perforation (using explosive charges), well testing and flaring.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #42
    Yung isang pinoy na Wireline Operator namin dati nalaglag yung isang blasting Canister nya sa truck gagamitin yata sa perforation..napulot ng isang katutubo sa africa ayon pinag laruan kala nya normal tin cans lang... sumabog dedbol.. maraming risk sa oil field.. kaya di mo rin ma sisi ang mga company kung bakit pa ulit ulit kang papa puntahin sa mga safety courses kahit sawang sawa kana...
    Last edited by NightRock; March 5th, 2006 at 11:29 PM.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #43
    speaking of training ayokong ayoko ng HUET sakit sa ilong pagka nilubog kayo sa tubig then ibabaligtad pa kayo sa ilalim

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #44
    Quote Originally Posted by yebo
    mga tsong paki-identify naman company names nyo.

    sa transocean po ako, merger ng dating sedco-forex and transocean inc. chief mechanic, semisubmersible, presently assigned sa indonesia.

    sagot ko sa question: yes, based sa home country ang sweldo. tagal na ko nagrereklamo tunkol dito, pati vice president ng company nakasagutan ko na. sa awa ng diyos e mukhang ngayong april e magkakaron yata ng resulta yung pakikipagaway ko sa lahat ng manager na pwedeng awayin ehehehehehe! pero hindi pa din parehas sweldo, since ang nilalaban ko lang naman e "same standard of living" at hindi "same salary". in other words gusto ko mabili sa pilipinas yung kayang bilihin ng relyebo kong kano sa america.

    yung mga companies na alam ko na patas ang bigay ay diamond offshore saka atwoods drilling. does not matter saang lupalop ka ng mundo nangaling basta kaya mo ang trabaho. kaya lang halos wala nagreresign dun kaya hirap din makapasok.
    Hi yebo!
    Ka grupo pala tayo before. Ex-sedco forex din ako(worked sa semi at Jack-up). Kaya lang ng benta ng Schlum ang offshore, nalipat ako sa onshore operation nila. I think it was the Pranses pasimuno ng standard of living salary scheme. I think purely inggit lang sila that we will live like king sa pinas pag same salary nila. Pero kainis lang kasi isipin since it's not our choice to be born sa pinas at sila naman sa europe o america. Parang lumalabas na kasalanan natin kasi sa asia tayo nanggaling kaya iyan lang sweldo makukuha mo. Ngayon company ko Century company. Australian company at mas okay ang pay kesa sa dati ko.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #45
    Quote Originally Posted by qman
    speaking of training ayokong ayoko ng HUET sakit sa ilong pagka nilubog kayo sa tubig then ibabaligtad pa kayo sa ilalim
    Yaks! Grabe ang training ng HUET ( Helicopter under water training ). Did it with UNOCAL Thailand. Dami nag give up sa training na yan especially yong scenario na lalabas ka sa chopper nakablindfold nakabaliktad ka saka yong scenario na unconcious yong katabi mo at yong exit ay sa side niya at syempre upside down pa rin ang position. Grabeeee

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #46
    mga tsongs, pag HUET sa subic na lang kayo mag-training. sa IDESS, norwegian company operation at sbma. dali lang huet training dun. bakasyon ka pa sa subic ng libre! search nyo website nila, IDESS. yun lang insist nyo na sa hotel kayo titira at hindi sa barracks nila kung balak nyo mag-overnight dun. half day lang HUET dun, 1030am tapos na.

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #47
    Quote Originally Posted by NightRock
    Pag wire line Operator medyo malaki talaga bigayan pero sagad ang trabaho.. minsan sa isang araw nakaka 5 wellhead sila depende sa visor .. naawa nga ako minsan sa mga wireline crew almost 24hrs ang work nila..tapos palaging nalilligo ng langis..
    Ang alam ko sa wireline, kumukita lang dyan ang wireline engineer. I heard, he's getting 5% of the job cost. Mostly "puti" yan. Mahirap talaga kasi para silang flying squad. No fix na off days pa minsan. Meron man, mahaba ang schedule nila.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    840
    #48
    I think sa sweldo at sa schedule kung may family ka, wala ng gaganda pa sa oilfield. It's a risky job minsan but most oil companies are spending lots of money sending their employees to attend different trainings to minimize the risk or accidents.
    Saka sa work na'to, whether nasa jobsite ka o naka bakasyon, parehong salary paid.At maraming opportunities to travel in different countries all expenses paid by the company. Infact, di ko na mabilang kung ilang passport na ang na avail ko...

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #49
    Quote Originally Posted by jeanpierre
    Yaks! Grabe ang training ng HUET ( Helicopter under water training ). Did it with UNOCAL Thailand. Dami nag give up sa training na yan especially yong scenario na lalabas ka sa chopper nakablindfold nakabaliktad ka saka yong scenario na unconcious yong katabi mo at yong exit ay sa side niya at syempre upside down pa rin ang position. Grabeeee
    haha me simulation pa na ida drop ang helicopter sa tubig bigla then in seconds capsize agad and totally baligtad na liit pa ng window na lalabasan mo iyong sirit ng tubig sa ilong and tenga yan ang da best, buti na lang every 3 yrs ang renewal/recertification

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #50
    Quote Originally Posted by jeanpierre
    I think sa sweldo at sa schedule kung may family ka, wala ng gaganda pa sa oilfield. It's a risky job minsan but most oil companies are spending lots of money sending their employees to attend different trainings to minimize the risk or accidents.
    Saka sa work na'to, whether nasa jobsite ka o naka bakasyon, parehong salary paid.At maraming opportunities to travel in different countries all expenses paid by the company. Infact, di ko na mabilang kung ilang passport na ang na avail ko...
    I agree da best talaga ang Gas and Oil industry lalo na ngayon nagsusulputan ang mga gas and oil field dumadami ang options mo. Isa lang ang di ko gusto kasi di pa gaano nape penetrate ng mga noypi ang Production job sa industry na ito karamihan nasa Maintenance.

    Have you heard what happened sa mga roughneck sa Malampaya, puro pinoy yon di ba pero pirated sila at sa Shelll Brunei ng kanilang amo they thought it would be better to work there eh kaso ang rate na tanggap ata eh rate ng pinas at me tax sila... I don't know kung totoo to.

Page 5 of 34 FirstFirst 12345678915 ... LastLast
Question to all OFW Tsikoteers especially to those working in the oilfield