Results 21 to 30 of 30
Threaded View
-
June 14th, 2009 07:38 PM #1
Matagal na eto, almost 1 month na, salamat sa security guard na eto ng luneta park sa pag-assist sa amin ng ex girlfriend ko nung itinirik ako ng aking sasakyan. Eto an kwento...
Umalis ako ng bahay at papunta na sa boarding house ng ex gf ko dahil nag-aya siya na lumabas kami. From house to Camachile, ok pa ang aking sasakyan. Pero nung umapak na ko ng A. Bonifacio ay nag CEL ang aking sasakyan pero ako eh running pa rin. Stop engine ako at start ako, hindi pa rin nawala ang CEL. To cut the story short, nasundo ko ang ex ko at sabi ko, delikado na ko, kelangan ko makahanap ng tindahan ng battery at ang alam ko lang, doon sa Warren sa Benavidez kasi habol ko na palitan din ng Mega Silver din na battery ang luma ko. Kaso while nasa Maria Orosa na kami at stoplight sa may ped xing sa may luneta, bigla nalang ako namatayan ng makina at ayaw na umistart! Buti at andun ang mabait na guard at kinausap siya ng ex ko na kung pwede tulungan kami sa situation namin. Tinulungan niya ko itulak ang sasakyan kong napakabigat, kasi nasa middle lane ako itinirik.
From there, tinanong ko ang guard kung saan may pinakamalapit na tindahan ng battery at sabi niya eh sa may Paco Park pa daw. So sabi ko sige, salamat. Naglalakad na ko papunta ng Taft para pumunta na sa tindahan ng battery at dumating ang guard na nakamotor at nagsabi na "Tara, sabay ka na sa kin, hatid na kita sa sakayan ng pedicab." Pagkahatid sa akin ay siya pa nagsabi sa pedicab driver kung saan ako papunta at sumakay na ko sa pedicab. Not knowing, bumalik at sinamahan niya ang ex ko sa pagbabantay sa sasakyan ko para hindi ma-tow. Up to the point na hindi pa ok ang sasakyan ko, eh hindi talaga kami iniwan nung guard. So nung naayos ko, nagpasalamat ako sa pedicab driver na tumulong din sa akin sa pag-assist at dun sa guard. Sa tuwa ko sa guard ay binigyan ko ng 100 petot tip, konsuelo sa ginawa niya sa amin.
Sana lang eh may mga ganito pang tao sa mundo. Sila ang mga taong masasabi ko na, handang tumulong sa kapwa when someone is in need. Saludo ako sa yo chief!
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines