New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 30

Hybrid View

  1. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,450
    #1
    Matagal na eto, almost 1 month na, salamat sa security guard na eto ng luneta park sa pag-assist sa amin ng ex girlfriend ko nung itinirik ako ng aking sasakyan. Eto an kwento...

    Umalis ako ng bahay at papunta na sa boarding house ng ex gf ko dahil nag-aya siya na lumabas kami. From house to Camachile, ok pa ang aking sasakyan. Pero nung umapak na ko ng A. Bonifacio ay nag CEL ang aking sasakyan pero ako eh running pa rin. Stop engine ako at start ako, hindi pa rin nawala ang CEL. To cut the story short, nasundo ko ang ex ko at sabi ko, delikado na ko, kelangan ko makahanap ng tindahan ng battery at ang alam ko lang, doon sa Warren sa Benavidez kasi habol ko na palitan din ng Mega Silver din na battery ang luma ko. Kaso while nasa Maria Orosa na kami at stoplight sa may ped xing sa may luneta, bigla nalang ako namatayan ng makina at ayaw na umistart! Buti at andun ang mabait na guard at kinausap siya ng ex ko na kung pwede tulungan kami sa situation namin. Tinulungan niya ko itulak ang sasakyan kong napakabigat, kasi nasa middle lane ako itinirik.

    From there, tinanong ko ang guard kung saan may pinakamalapit na tindahan ng battery at sabi niya eh sa may Paco Park pa daw. So sabi ko sige, salamat. Naglalakad na ko papunta ng Taft para pumunta na sa tindahan ng battery at dumating ang guard na nakamotor at nagsabi na "Tara, sabay ka na sa kin, hatid na kita sa sakayan ng pedicab." Pagkahatid sa akin ay siya pa nagsabi sa pedicab driver kung saan ako papunta at sumakay na ko sa pedicab. Not knowing, bumalik at sinamahan niya ang ex ko sa pagbabantay sa sasakyan ko para hindi ma-tow. Up to the point na hindi pa ok ang sasakyan ko, eh hindi talaga kami iniwan nung guard. So nung naayos ko, nagpasalamat ako sa pedicab driver na tumulong din sa akin sa pag-assist at dun sa guard. Sa tuwa ko sa guard ay binigyan ko ng 100 petot tip, konsuelo sa ginawa niya sa amin.

    Sana lang eh may mga ganito pang tao sa mundo. Sila ang mga taong masasabi ko na, handang tumulong sa kapwa when someone is in need. Saludo ako sa yo chief!

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    2,254
    #2
    bro baka crush ka? hehehe nice may ibang sikyu kasi ang angas eh! lalo sa parking specially if nakita nyang car mamahalin un ang unang iaasist

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    Mabait nga. Baka yung ex mo at yung guard.....sila na ngayon.

    [SIZE="1"](joke!)[/SIZE]

    Anyways, marami pa ring ganyan naman sa ngayon. May their tribe increase.
    Last edited by chua_riwap; June 14th, 2009 at 08:56 PM.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,396
    #4
    test, feeling mo lang na saiyo mabait, sa GF mo mabait yun guard....hehehe

    sana tumawag ka na lang sa Motolite delivery..nabantayan mo pa yun GF mo, hinde sana EX ngayon...

  5. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,450
    #5
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    test, feeling mo lang na saiyo mabait, sa GF mo mabait yun guard....hehehe

    sana tumawag ka na lang sa Motolite delivery..nabantayan mo pa yun GF mo, hinde sana EX ngayon...
    yun nga eh. nasa isip ko na yun kaso hindi ko naman maalala ang number ng motolite delivery. anyway, magandang experience din etong naexperience ko kahit paano

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #6
    Marami rami na rin akong na-encounter na mababait na Sikyu! Basta strict lang sila sa "NO ID, NO ENTRY!". He he he . . .

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,163
    #7

    Kudos to that Sikyu....

    ExGF? Dahil tumirik?.....Hhmmmm....

    8101:oops2:

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,163
    #8

    Kudos to that Sikyu....

    ExGF? Dahil tumirik?.....Hhmmmm....

    8101:oops2:

  9. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,450
    #9
    hahaha... friendly date naman namin yun. kudos din sa ex gf ko dahil sa kanya galing ang perang pinambili ko ng battery. ako natatawa at naiinis nalang sa ex ko nung mga oras na yun eh. sinabihan ko na nga na wala kang gagawin kundi tumahimik at manood lang kaso eh puro pa sermon maririnig ko, sus...:hammer:

    anyway, talagang pasalamat ako ng malaki sa kanya. hindi lang sa nasa safety ang sasakyan ko, kundi pati na rin ang kasama ko. at kagaya ng sabi ni sir chua, sana ay dumami pa ang mga kagaya niya dito sa pilipinas dahil yan ang mga taong kelangan natin sa mga ganitong oras

  10. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    3,358
    #10
    Forget the "tinirk story" ang tanong is nagbalikan ba kayo?

    ayeeeeeeee :bwahaha:

Page 1 of 2 12 LastLast
Ang mabait na sikyu na nakilala ko