Results 3,551 to 3,560 of 3844
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2009
- Posts
- 102
July 24th, 2013 05:44 PM #3551Dapat Sir umiilaw yung indicator ng heater plug pag on mo ng susi.
Madaming pwedeng dahilan kaya hard starting sya. eto based sa mga na experience ko kaya hard starting.
1. Sira na yung automatic heater-plug relay. (wala ng supply ng kuryente na pumupunta sa mga heater plug)
2. Pundi na yung mga heater plug (eto madalas nangyayari sakin. halos every 3 to 4 months nag papalit ako ng heater plug kase pundi na. pag start kase ng makina nag heheater uli kaya madalas mapundi ang mga heater plug)
3. Bumababa yung supply ng diesel kase may singaw yung mga hose na nakakabit sa injection pump.(kaya ang ginagawa ko pag nag park ako dapat nakataas ang likod)
Napasin ko lang sa picture sir, na empty na yung gas gauge nyo. Yung sakin kase pag nasa 1/4 nalang ang diesel sa indicator. halos tumirik na. Ang naiisip kong dahilan is yung filter dun sa float. malamang barado na. kaya pag konti nalang ang diesel nahihirapan na sumipsip. Naranasan ko nadin na pag konti nalang ang diesel sa tanke namamatay ang makina pag pababa ang kalsada lalo na pag pababa ako sa mga basement parking. - sana makatulong
-
July 25th, 2013 01:23 AM #3552
Sir WheelJack2, salamat ng marami sa inputs mo.
Sa napicturean ko na yan sir sa dash, everyday, pag magstastart ako ng van, yan lagi lumalabas, kahit na nagfufulltank ako, umiilaw lahat ng indicator. yung seatbelt flashing lang ang nawawala after 9 seconds.
Sa fuel indicator naman po niya, matagal na pong sira yung indicator. di pa po ako nagpapalit ng fuel gauge indicator niya. Baka pwede din pong yun ang culprit kasi di makapasok yung diesel sa mga fuel lines kaya tuloy pag matimingan ko na magstart, itim na usok ang lalabas, to think na di dapat kasi pag tumatakbo naman, medyo hindi naman mausok yung van.
May picture po ba kayo sa heater indicator sa dash? gusto ko pa kasi makita yung sa inyo kung ano po mga iilaw before niyo istart yung MB niyo.
If time permits po na mapakita ko yung van this weekend, baka ipababa ko na yung fuel tank para macheck yung sa may filter ng fuel gauge indicator and macheck na rin yung heater plug.
Thanks po ulit sir WheelJack2 sa inputs.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2009
- Posts
- 102
July 25th, 2013 09:53 AM #3553Parehas lang tayo sir ng mga nakailaw pag on ng susi. sa tingin ko kung mausok pag start ng makina eh sa heater plug yan sir. Malamang pundi na.
-
July 29th, 2013 10:34 AM #3554
Sir saakin naman po yung mga light indicator ko nagana naman po pero sa hindi ko maintindihan na dahilan eh minsan hindi po umiilaw ang battery ko at fuel.. pero hndi naman po sira ang alternator ko. saan po kaya ang problema noon?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2013
- Posts
- 12
July 29th, 2013 07:04 PM #3555good afternoon po mga sir
may nabibili po ba nung pindutan ng busina ng mb natin ??
kasi sira na po ata ung samin .. pag pinipindot kasi ang hina ng busina .. pero may pindot naman na malakas ..depende sa lakas ng pindot mo
meron po kaya nabibili nun saka magkano po kaya ?
salamat
-
July 30th, 2013 10:36 AM #3556
Good Morning po,
Patulong po sana kung san ako makaka bili ng Rack and Pinion repair kit, Tire Rod End, Cylinder Gasket and Halfmoon na mura para sa MB100 ko. Wala kasi akong alam na specific auto supply sa banawe. At pag babae po ang bumibili sa mga auto shop, madalas naloloko
Maraming salamat po
-
July 30th, 2013 11:27 AM #3557
-
July 30th, 2013 02:14 PM #3558
RACK N PINION repair kit more or less 850php..
labor 1200 sa may BMA st. TOTO name nung shop... sa may banawe din yan near e. rodriguez... plus 300php machine shop... kung may tama shafting
tire rod 400php
If i were you bumile ka po ng repair kit sa may fronte.. then dalhin mo SA TOTO sa may BMA ST. dun mo pagawa....
-
July 30th, 2013 10:28 PM #3559
Nagkita kami ni sir Glenn kanina pero pareho kaming hindi naka-MB100. hehe. Thank you sa help ulit sir Glenn.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
July 31st, 2013 03:06 PM #3560
sa mga ka MB ko me idea po ba kayo kung magkano ngayon ang Hi-Speed na transmission ng MB natin? and saan kaya mura? balak ko po kasi magpalit ng Hi-speed mas nagustuhan ko po kasi yung hatak ng hi-speed po..
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines