New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 7 of 170 FirstFirst ... 345678910111757107 ... LastLast
Results 61 to 70 of 1696
  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    298
    #61
    parang hostage tayo ng hyundai pag ganyan. 5 years nga yung warranty pero exclusive casa service nga lang. Ang kaso yung casa eh walang standard na price at di pare- pareho na good service.

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    111
    #62
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    nabenta ko na GRX ko last january so eto may bago, grand starex naman. ang tanong: bakit ganun sabi sa akin sa casa (hyundai balintawak) e strict na daw hari sa pms schedule na "3000 km or 3 months whichever comes first". kung di daw susundin yun e wala na warranty. yun daw kasi ang nasa "service book" na bigay ng hari. weee? di ako umimik nung sinabi yun sa akin. sa isip ko e nasa manual ng hyundai 10,000 km between oil changes. saka sa 3 months e wala pa 1500km itatakbo ng starex ko at "coding" and "outing" vehicle ko lang yun.

    ganito din ba sabi sa inyo ng ibang casa?
    tinanong ko ito dati sa dealer ko... ang sabi ng hyundai dasma service advisor(Monching) yung km reading daw sinusunod nila. sila na rin nagsabi na magastos pag sinunod yun every 3 months. imho, kung iinsist ng mga dealers yan ganyan rule sa warranty is sobrang mahal na ng maintenance ng hyundai cars and parang scam na yung 5yr warranty since you're like paying for an insurance with the dealer.

  3. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    111
    #63
    Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
    Yep. Meron.

    Motul H-Tech 100 Plus. 5 Liters for your Theta II
    *sg, tumawag ako sa Hyundai Las pinas and sabi nun nakausap ko sa service replace daw lahat ng filters (oil filter,air filter element, and aircon filter). Chineck ko kasi PMS schedule sa website and nakalagay dun oil filter lang for replacement sa Tucson Gas 10,000kms service.

    ito yun binigay na prices sakin:
    labor: 1,470
    air filter: 872
    aircon filter: 1500
    oil filter: 400

    Pag sa kanila daw yun engine oil(japan oil daw) around 9,600 daw aabutin lahat. Depende na lang din siguro talaga sino ang makakausap sa mga service advisor. Pag hindi ka talaga marunong or di ka nagcheck pwede tyo mapamahal. hindi si Jordan nakausap ko kanina kaya sya na lang hanapin ko pagpunta dun para sure. thanks

  4. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9,431
    #64
    Quote Originally Posted by gbd View Post

    yung aircon filter bili ka nalang sa carpower.

    or kung sa tingin mo naman ok pa, wag mo na muna papalitan. ang mahal naman nung 1500

  5. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    111
    #65
    Quote Originally Posted by crazy_boy View Post
    yung aircon filter bili ka nalang sa carpower.

    or kung sa tingin mo naman ok pa, wag mo na muna papalitan. ang mahal naman nung 1500
    di ko talaga papareplace yun aircon filter kasi di pa naman sya due sa 10k PMS. parang papel lang yun aircon filter tapos mas mahal pa sa air filter element. malinis pa naman yun aircon filter ko nung last time ko chineck. ingat na lang talaga tayo guys pag nagpapaservice. ang sabi pa nga sakin 1st major PMS daw ang 10k pero ang alam ko 20k ang first major PMS. always refer to service manual para sure.

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #66
    Di ako nagpalit ng aircon filter nung 10000km PMS. Pinabugahan ko lang ng hangin.

    Air filter niyo baka pwedeng di pa palitan kasi mahina naman ang higop ng hangin ng Theta II. Kaming R-eVGT kelangan palit agad kasi malakas humigop ng hangin yung eVGT.

  7. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    107
    #67
    Mga sirs,

    Nag PMS ako last Saturday sa Hyunda Quezon Avenue. So far satisfied naman ako, walang overcharging IMO.

    The Good:
    * Pwede mo lapitan sasakyan mo habang ginagawa
    * Pwede ka magdala ng sarili mong oil (corkage daw ay around 600-700)
    * Yung mga mekaniko mukhang magaling gumawa, maingat sila sa paghandle ng car mo, tapos may supervisor mechanic na umiikot para e-review ang ginagawa ng mga mekaniko.
    * Mas mura yung Motul Specific CRDi na langis sa kanila (yun ang pinalagay ko kasi di ako nakahanap ng Mobil1 Turbo Diesel Truck 5w40)
    * Disclose nila yung mga gagawin sa sasakyan. Di ka magugulat sa babayaran mo.

    The Bad:
    * Masyadong masikip pagawaan nila.
    * Kung nauna ka pumasok, most likely late ka ring makakalabas kasi hihintayin mo yung mga nakaharang na sasakyan para lang makalabas ka.
    * May free carwash (although I think dun pumupunta yung "miscellaneous fee" na Php300) - mukhang di maganda pinagpapacarwashan nila kasi when it arrived from the carwash may puti puti sa paint na para bang di nabanlawan ng maigi or talagang pangit ang tubig). Insist nyo na lang na wag na carwash kahit pa ito ay free.
    * Palpak yung wifi nila - walang internet kahit nakakaconnect ka.
    * Pangit ang customer's lounge.
    -- yung huling dawala wala namang kaso sa akin, ang mahalaga maganda pagkakahandle sa kotse ko.

    Very Bad:
    * May mga coins ako sa kotse, sabi ko kay misis wag na alisin, test natin kung may mawawala. Binilang namin yung coins umabot ng 109. Nung nakuha namin yung car 84 na lang. May nawalang Php25. Hinala ko sa carwash nadale. To be safe: wag mag-iwan ng kahit ano sa car.

    Definitely babalik ako sa kanila.

    Compared naman nung experience ko sa Hyundai Pampanga na hindi nila sinabi yung mga gagawin at basta na lang may mga charges na di mo expect. Tapos biglang kumakabig pa after na mailabas yung sasakyan.

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    64
    #68
    guys ask ko lang po medyo noob question. pag first 1000k PMS dapat ba before mag 1000k andun kana sa casa or pwede sobra? and pag first pms ba dapat ba talaga kung sang branch mo nabili?

  9. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    3,527
    #69
    Quote Originally Posted by mrouter View Post
    guys ask ko lang po medyo noob question. pag first 1000k PMS dapat ba before mag 1000k andun kana sa casa or pwede sobra? and pag first pms ba dapat ba talaga kung sang branch mo nabili?
    The 1,000km PMS is merely a "indicator" on when you need to do your maintenance. You can go when it's under (800km nga pwede na eh) or even after (1100km). As long as it's near the 1000km mark, okay na yun.

    You can have your car serviced at any Hyundai branch basta dalhin mo lang service manual mo. But it's better if you have your agent do it since they can prepare and handle the paperworks for you.

    Correct me if wrong

  10. Join Date
    May 2010
    Posts
    184
    #70
    Quote Originally Posted by mrouter View Post
    guys ask ko lang po medyo noob question. pag first 1000k PMS dapat ba before mag 1000k andun kana sa casa or pwede sobra? and pag first pms ba dapat ba talaga kung sang branch mo nabili?
    1st 1k PMS, puedeng before mag-1k or wag lalagpas ng 1,500 if lumagpas hindi na free ang labor, kahit saang branch puede nyo pa-service, pero pag kausap nyo na po service adviser at binigyan kayo ng quote, please haggle for the price and ask them kung kailangan bang palitan itong mga nakalagay sa quotation,

Page 7 of 170 FirstFirst ... 345678910111757107 ... LastLast
Hyundai PMS