Results 721 to 730 of 1070
-
January 20th, 2012 12:47 AM #721
Kung ikaw pala eh may "Highblood" eh aatakahin ka na pag nag pa estimate ka sa rapide
-
January 20th, 2012 12:57 AM #722
Take note Mr RAPIDE "you need them more than they need you"
Nice, iyan ang banat.
"in the first place, bakit kailangan ang client pa mag sabi ng parts na gusto niya, trabaho ninyo mag bigay ng impormasyon sa mga parts na ilalagay o ipapalit ninyo kahit ito'y replacement (japan/china parts) or branded, inform us at kung sakaling walang stock ng branded tell us kung kayu ang bibili o kami para alam namin, then tsaka lang kami mag decide kung yung stock ninyo ang gusto namin, and make sure kung talagang fitted yung parts hindi yung nag babakasali lang, ibigay din yung lifespan ng replacement until what such year magpapalit ulit versus sa mga branded na talagang mahaba din ang warranty period, kasi sa inyu 3 to six month lang coverage ng warranty depende pa sa parts."
tell us what is the advantage ng replacement(generic), warranty cover, price at lifespan ng parts versus sa mga branded type.
OEM/BRANDE PARTS=long life, expensive but long warranty cover
GENERIC/Replacement parts-= short life, cheap price at short warranty cover
ganyan sana ang paliwanag para me option ang client.
Maipapangako ninyo ba sa mga kliyente ninyo kung sakaling me mali sa pamamaraan ng pag gawa (ng inyung tech) ng kanilang mga sasakyan na papalitan ng walang bayad(parts replacement) at free labor?
aba kung ganun maiibabalik ninyo ang tiwala ng mga taong nag karoon ng bad experience sa mga branches/franchise ninyo, kung ganito ang magiging policy o sistema ng kalakaran ninyo.
But i doubt.
-
January 20th, 2012 01:02 AM #723
wag na lang magbigay ng pekeng quotation na ganun. wag niyo lokohin yung customer na sira yung ganito, sira yung ganiyan. hinahanapan niyo ng sira yung sasakyan eh.
chaka me nakausap ako na dating manager ng rapide. nag resign siya after 2 weeks of work there, di daw niya kaya ka demonyohan dun sa shop, naawa daw siya sa customer. may quote daw, 28K babayaran. dinig na dinig daw niya na yung tinawagan is from banawe lang na magdala ng ganitong part, tapos sabi sa customer OEM daw yun. tapos after 2 days binalik nanaman yung sasakyan dahil sa sira nanaman, nagdamay pa ng ibang sira yung OEM KUNO part. haha. :D grabe binuking sakin.
tuwing nadadaan talaga ako dun sa rapide sa pasig, naawa ako dun sa mga taong nagpapa service dun.
-
-
January 20th, 2012 08:20 AM #725
aba eh kung change oil lang walang problema naman iyan sa RAPIDE, kampante ka pa diyan. hehehehehe, wag ka lang hahanapan ng ibang error at ibang usapan na iyan
yung quotation, ok yan kung stated yung parts brand at warranty(bago ikabit o ipalit sa deffective part), siyempre dapat pati yung presyo nito ilagay nyu rin sa quotation ha plus yung P1,500 yung labor, diba standard sa inyu ang labor na yan.
anung dapat malaman ng costumer;
1. brand ng parts japan or china ba?
2. fitted ba ito sa original parts na nakakabit? dahil ang ilalagay ninyo ay replacement or generic parts. (explain briefly)
3. ilang taon ang lifetime ng parts(na ikakabit ninyo o yung replacement nito) bago palitan ulit.
4. ilang buwan o taon ang cover ng warranty sa parts na ipinalit.
5. kung merong warranty ang workmaship/labor ninyo ilang linggo o buwan.
optional;
kung alam ninyo na parang hindi kombinsido ang costumer sa parts na ikakabit ninyu, mag suggest like "pwede po kayu ang bumili ng parts sa labas at kami na lang ang magkabit, pero yung warranty ng parts ay di po namin sakop. labor lang po kami" .
( sa palagay ko walang ganun sa inyu...)
so makakapag decide ang costumer ninyo kung ipapagawa niya ang car niya base sa quotation na binigay ninyo or siya na lang ang bibili ng parts niya at ang tech ninyo ang mag kakabit plus labor, syempre pa rin hindi ninyo cover ang warranty ng parts but yung warranty ng trabaho ninyo sabihin natin 1 week/month dapat cover ng labor ninyo iyan.
kung ganito ang sistema ng kalakaran ng inyung branches/franchise eh baka sakaling "wala ng mag reklamo sa inyung shop". at kung matutuwa pa ito, syempre kasama na diyan na ma suggest ang inyung shop sa iba.
pero hindi ganun eh, as my experience sa RAPIDE pina e-estimate po pa lang tinitira or tinatangal na agad yung parts eh para sure na sure na walang kawala sa inyu ang costumer(lalu na pag alam ninyo na walang alam yung tao sa mga pinag gagawa ninyu sa car niya, ibig kong sabihin eh di siya aral sa mga teknikalidad nito). imagine pa tsek muna dapat walang gagalawin ika nga visual muna, then ask yung owner ng car kung ok lang na i-angat ang car para makita yung ilalim wala munang luluwagan o tatangalin. eh base sa sinabi ninyo eh trained ang mga tech ninyo so alam nila kung anu titingnan, aalamin ng hindi muna kinakalas ito, at base rin sa pag lalahad ng costumer sa error ng kanilang car, so after tsek-up dun papasok ang inyung suggestion/quotation para me option ang costumer kung ituloy niya or hindi ang pa-repair.
....kaso ang banat ba sa kin.......sir eto ang error, sabay latag na ng qoutation ah, ang take note walang sinabing brand ng part na naka indicate, warranty, ect. ang makikita mo lang kung ilan anu yung name ng parts na papalitan at higit sa lahat "TOTAL CHARGE ng babayaran ko"...... eh wala na akong kawala kasi .."KINALAS NA YuNG PARTS EH"....
--------------------------------------------------------------------- END -----------------------------------------------------------------------------
TRIVIA lang...
kung me HOLIDAP na tinatawag....
Mga TSIKOTER's tanung ko lang anu naman ang tawag sa estilo ng RAPIDE?????
meron ba kayung alam na tawag dito?
sa akin pwede na ba yung "RAPIDAP" hmmm baka me alam pa kayo ng mas mahusay na "TAG CALL".
itoy katuwaan lang ha, baka naman ma pikon si MR. RAPIDE, hehehehehe
-
-
-
-
-
January 20th, 2012 11:15 AM #730
Ilipat na sa joke time itong blinker fluid post. Meron na rin naman rapidemania dun eh.
talino!!!!
Fasten your seatbelt! Or else...Driven To Thrill!
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines