
Originally Posted by
misseksaherada
Tama po Sir Juts, Doc.. Mostly nung nakapwesto near metro.. Ancestral home na or from mana.. Or talagang mayaman na from the start..
Sa tulad ko na gusto din may sariling sikap na naipundar hindi po talaga afford yung malapit sa metro.. Ang mahal para sa isang empleyado lang..
Loan pa yung lot na nakuha ko sa San Jose Del Monte, Bulacan on my late 20s maliit lang nasa 288sqm.. That time SM San Jose Del Monte is just a rumor and yung MRT project parang suntok sa buwan na magkatotoo.. Pero umaasa ako baka next 10 years ay baka magkatotoo at sana nga magkaroon ng IT companies near that location..
Aba.. Nagulat ako.. Wala pang 5 years nagawa na yung SM San Jose Del Monte.. Yung Qualimed hospital din at yung School na malapit gawa na lahat.. tapos nasinulan na din ABS-CBN Soundstage..
Na-excite tuloy ako mag ipon ulet sana soon mapatayuan ko na.. [emoji4]
Natapos ko na SSS ng mama ko 2 years ago.. Soon matapos ko na 2 insurance, 1 health insurance (isa ito sa mga wrong decisions ko pero tinuloy ko na lang hahaha).. makakaluwag luwag na ako.. gusto ko na ipay up in advance loan ko para house construction naman..
Sent from my CPH1907 using Tapatalk