New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 111 of 1548 FirstFirst ... 1161101107108109110111112113114115121161211 ... LastLast
Results 1,101 to 1,110 of 15472
  1. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #1101
    mga sir tanong lang. napansin ko ngayon sa innova ko eh pag maaga ako nag 5th gear (55kph) sa rektang daan, pag yung speed nya is pataas na going i think 65kph is parang may nginig sound sa chrome side mirror cover. dati wala namang ganun eh. stock naman ang chrome side mirror cover sa G diba. napansin ko lang kasi kanina. then diniin ko yung cover habang drive ako, di ko na naman napansin ulit. anu kaya yun, maluwag lang?

  2. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #1102
    Quote Originally Posted by Ginnova View Post
    i believe avatar and signature with pics/advertisement is included in paid subscriptions for new memebers. but free ito for registered members 2007 and below.
    ahh ok sir, thanks for the info.

  3. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    11
    #1103
    ^I think di naman po kasi sa tingin ko mas magaling mga pinoy pagdating sa mga sasakyan. kung may problema man sa brake o sa screw lang e mapapansin kaagad yan at naipost na dito. also ibang plant po ginagawa mga innova dito sa atin at mga pilipino din mga nagaassemble.

    Nakakatawa kasi gumawa po kayo ng thread tapos nagcompile kayo mga problems about sa toyota kahit na 2009 pa yung news.

    Kung may galit ka sa toyota better na lang ipost mo kung anu man di mo nagustuhan sa service sa toyota pati syempre mga details na rin. mukhang sobrang inis nyo ata sa toyota e.

    para di OT;

    kakainstall ko lang ng mud guard saka Chrome Door Housing for my innova G AT whitepearl. kumpleto na sa wakas. sa casa ako nagpainstall ng spoiler with led saka nag 17" ako. sana naman di ako parahin sa kalsada ahehehe.

    leather seat cover na lang saka luggage tray. anyway mga sir, meron ba dito nakabili ng wide lugage tray sa mga shops sa labas yung beige din sana? how much po damage compare sa oem sa toyota casa?

    saka anu po maganda HU na may ipod and usb flash drive player?

  4. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    82
    #1104
    had our 10k pms kanina sa toyota abad santos since malapit kami kanina doon at try namin kc bago lang ang toyota abad santos MEDYO ok ang service nila kailangan mo nga lang sabihin na huwag na isama ang hindi na kailangan sa pms.PERO..ang HINDI maganda ay nanakawakan kami ng Cellphones!ganito kasi nangyari,syempre SOP ng service advisor na sabihin na sa atin na wag magiiwan ng importanteng gamit o valuables sa sasakyan bago ipasok sa casa..ang hindi ko lang alam na andun sa drawer o lagayan sa my dashboard ang dalawang cellphones ng father ko.although back up cellphones lang yun worth 3k and 2k lang yun eh sayang din yun at importante mga contact numbers andun..na discover lang namin na nawawala ang cp nun sumakay na father ko sa innova after an hour pagkatapos ko makuha yung innova sa casa.5:15pm ako nakalabas ng casa,sumakay father ko ng 6:20pm na.Doon ko nalaman na iniwan nya cp nya sa sasakyan.Kaya tumawag agad ako sa toyota abad santos to report pero its 6:30pm na out na ng mga employees nila.Ang sabi sa akin sa security dept nila sa monday pa daw maasikaso at maiimbistigahan yun kasi walang office bukas (sunday)..nakakainis!it doesnt mean pag naiwan mo bagay sa sasakyan pag pinasok mo sa casa eh sorry nalang kukunin na nila nanakawin na so parang kasalan na ng customer yun..

  5. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    1,245
    #1105
    i usually lock the glove compartment using the master key with remote. tapos ang binibigay ko sa SA is yung spare metal key lang which hindi nya kaya buksan ang glove compartment. dapat talaga wag mag-iwan ng kahit ano sa loob ng kotse. rampant talaga ang nakawan sa casa.

  6. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    101
    #1106
    I just had my 1,000 kms PMS at Toyota Batangas. Breakdown as follows:

    Mineral oil ( 7 liters ) - 1,150.52
    Toyota car care kit - 224
    Oil filter - 425.60
    gasket - 28.28


    Total of 1,828.40


    Libre car wash, pwede mo pa panoorin yung activity ng malapitan. Nasa harapan kami ng hood ni misis habang ginagawa ng mechanic ang PMS. Nakapagpapicture pa nga ako, hehe. Distansya nga lang pag nagamit ng compressed air at baka mapuwing. Kaya tinignan namin talaga maigi kung bago at selyado ang oil na gagamitin at tamang volume pati. Yung oil filter fresh from carton.

    Okay naman ang SA, magalang naman at ininform pa kami kung gusto namin ay ordinary or synthetic. Sa ordinary lang muna kami, hehe. He even offered fuel additive na inayawan din namin muna. Paalis na kami nagpasalamat pa siya at kung may iba pa raw kaming tanong.

    Mabait din ang mga receptionist. Nakuha ako ng kape, siya na ang nagprepare at naghatid sa table namin. We are even asking for an electrical outlet to plug our laptop kasi libre wifi sila, they transferred our table sa malapit sa outlet. Bottomless coffee at Nestea ice tea.

    Downside nga lang is kailangan maaga ka talaga. Dumating kami wala pa 630 am, pero #14 na kami para sa QS. Iyong isa sa nagpa PMS doon, 430 am pa kumuha ng number pero #4 na siya.

  7. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    11
    #1107
    Guys pahelp sa PMS, anu ba mga kelangan lang at di kelangan sa PMS. Im nearing 5000kms.

    Our 1000km PMS bill was 5,561php. Tatay ko nagpunta sa casa at may trabaho kasi ako nun. Mukhang lahat sabihin ng SA e oo kagad tatay ko even engine detailing!

    Also alam nyo po ba ano ang TGFS Gallon New? Worth 2128php sya e. mas mahal pa sa synthetic oil.

  8. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #1108
    *silvergate - napakamahal naman nung 1k PMS mo sir? sakin 2k lang 1k PMS ko eh. 5k + inabot ng sayo, partida wala pang labor yan. anu ginawa sa unit mo nung 1k PMS at umabot ng ganyan ang bill sir?

  9. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #1109
    Quote Originally Posted by Ginnova View Post
    i usually lock the glove compartment using the master key with remote. tapos ang binibigay ko sa SA is yung spare metal key lang which hindi nya kaya buksan ang glove compartment. dapat talaga wag mag-iwan ng kahit ano sa loob ng kotse. rampant talaga ang nakawan sa casa.
    tama to sir ginnova, ako naman if ever di ko dala yung spare key na walang remote, palagi ako may checklist na pinapagawa sa SA ko sa mga laman sa loob ng kotse, pinapapunta ko pa SA sa loob ng innova para makita nya mismo yung mga tinuturo kong laman as in lahat lahat talaga. ultimo nomad matting at air freshener ko ko nakasulat dun eh. hehe. basta pag may mawala papalitan nila nakalagay sa paper basta magpa PMS ako.

  10. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    11
    #1110
    Quote Originally Posted by ericson21 View Post
    *silvergate - napakamahal naman nung 1k PMS mo sir? sakin 2k lang 1k PMS ko eh. 5k + inabot ng sayo, partida wala pang labor yan. anu ginawa sa unit mo nung 1k PMS at umabot ng ganyan ang bill sir?
    oo nga sir ericson e. Napa OMG ako nung dumating na ako sa bahay pinakita yung bill. Synthetic oil ang ginamit tapos tingnan ko yung bill bat may Engine detailing with wax worth 1k.

    Sabi ko kagad bat kayo pumayag magpaengine detailing e 1000km pa lang natatakbo saka tag ulan naman dito.

    eto nasa bill. dalawa yung mahal e.

    TGFS GALLON NEW 1 2128.00
    TGFS SL 5W40 3 1845.00

    isama na natin yung engine detailing (1k) saka oil filter (400+).

    Guys di kaya pang engine flush yung ginawa sa 2128php.

    Sana sa mga expert ano ba expect ko sa 5000kms ko kung synthetic oil pa din ilalagay ko. kelangan ba talaga yang engine flush o kya additives na yan. sana may makapgturo kung kelan kelangan talaga yun.

    TIA.

Toyota Innova Owners & Discussions [continued 3]