Recently did 230t kms PMS check at a major Toyota casa in QC... di naman ganun kamahal since halos basic lang talaga ang ginawa nila..

but as expected... they also sent a list of "for replacement" parts / works.. tipong pro active baga na mga gawain.. para unahan na ang sira... medyo marami rami.. at sa quotation nila... halos pang downpayment na ng sasakyan:

mga for replacement:
- breather hose
- a/c filter / a/c cover
- water pump assembly
- radiator assembly
- valve cover gasket (ito maka ilang beses na to nire recommend.. since mga 200t kms check pa ata)
- injector nozzle seal (ito din ilang ulit na nila recommended)
- fuel leakage assembly
- fuel filter
- injector pipe 1 - 4
- rack end
- tie rod
- stabilizer link
- engine support
- oil pan assembly
- shock absorbers
- alternator pulley
- rotor disc


knowing na style ng casa to to increase their sales... syempre consult muna ako sa mga ka Tsikot on the following:

saan kaya maganda magpa 2nd opinion on these? to have them really check which ones yung talagang kailangan palitan / advisable palitan.. at which ones yung inaahente lang talaga ako ng casa?

yung sa tie rod / rack end.. ilang ulit na rin yan nililista... pero pag pina tignan ko sa pang ilalim specialist.. bushing lang pinapalitan... =) .. not sure about stabilizer link though..

sa alternator pulley - medyo mas maingay nga ang takbo ngayon as compared to dati.. although di ko lang sure which of the pulleys yung nag cause ng ingay...

thanks in advance sa mga advice ninyo!