Dinala ko yung Suzuki Esteem '96 ko sa CASA shaw blvd para ipa-check yung oil leak at distributor ('O' ring replacement), good running condition yung makina at aircon. Nung kunin ko na after 5 days (tumagal dahil naghanap sila ng pamalit sa distributor housing), pag drive ko palabas ng CASA hindi makahatak yung makina ng maayos (1st gear/2nd gear nakabitiw na ko sa clutch at todo na yung accelerator) at mahina yung aircon. Parang tinutulak ng 1 tao yung takbo. Napansin ko lang nung binalik ko agad sa CASA, parang nagiba yung distributor hindi ko sure kaya check ko pa sa ibang unit. Sabi nung manager na paiwan ulit para check nila ulit.

Nakakainis lang na imbes na umayos lalo pang lumalala. Babalikan ko bukas para i-confirm yung distributor kung kinahoy talaga.