Results 3,011 to 3,020 of 4885
-
August 25th, 2014 12:52 PM #3011
-
August 25th, 2014 01:00 PM #3012
-
August 25th, 2014 01:10 PM #3013
Naku Banchero mag-asawa ka na habang hindi ka pa masyadong nakikilala ni kris Aquino.
-
August 25th, 2014 01:10 PM #3014
Problem with RoS sinong big man ngayon na hinde Lagpas Sa max salary cap?
Posted via Tsikot Mobile App
-
August 25th, 2014 01:11 PM #3015
-
August 25th, 2014 01:12 PM #3016
Pwede rin ba yung option na maglaro sya sa china? Pwede sya pigilan ng ros?
-
August 25th, 2014 01:13 PM #3017
bakit nga ba nasa stage si hayden kho kahapon pagsalubong sa draftpicks? part owner ba siya or something ng blackwater?
-
-
August 25th, 2014 01:16 PM #3019
don sa mga di na draft.. dont lose hope..
THOUGHTS OF THE UNDRAFTED | Philippine Basketball Association
Hindi ako nakatulog kagabi. (laughs). Medyo masama loob. (pauses) Bakit ganun? Yung iba wala naman naipakita sa NCAA o UAAP, sa D-League o sa draft combine tapos na draft sila. Hindi ko maintindihan.
Maganda naman ang naipakita ko pero walang pumansin. Pero yung iba samantala anak ng coach o kamag-anak ng coach. Siguro ganyan talaga. Kung sino kilala mo.
Pagkatapos na magpalitan yung Blackwater at Kia ng mga draft pick nila pagkatapos ng second round, nanlalamig na ako. Parang nawalan ako ng gana. Umaasa pa rin pero wala yung inaasahan natin.
Bilang basketbol player gusto ko na pansinin ako pero nung matapos na yung draft ayokong may pumansin sa akin. Parang nakakahiya. Pilit ko magmadaling makaalis. Syempre alam naman natin na suntok sa buwan yan draft kung hindi ka superstar o galing sa malaking eskwelahan. Lalo na napakadami namin.
Matatanggap ko naman yun pero yung mga huling pick magtataka ka bakit sila? Sino sila?
Hirap kumain pagkatapos. Walang gana. Nahihiya rin ako sa girlfriend ko. Syempre nagbibigay siya ng payo at encouragement pero nahihiya ako kasi parang hindi ko siya naririnig. Malalim lang ang iniisip. Bilang manlalaro iisipin mo na, “hindi ako nakasama doon (sa PBA). Hindi ako kabilang sa mga tawag na sa mga best players sa bansa.”
Syempre naman magtrarabaho tayo. Magtatanong kung may mga nagpapa-tryout. Kung wala ay babalik sa D-League at magpapakita ng kakayahan at sana may pumansin. Magsusumikap ako na makamit yung pangarap ko na makapaglaro sa PBA. Hindi lang naman yan para sa akin at para rin sa magulang ko at sa magiging pamilya ko.
Naalala ko nung sa draft combine nagsalita si Dondon Hontiveros at sinabi niya na kapag hindi ka ma-draft ay magpursige. Pataasin pa yung laro natin. Challenge para sa amin na manlalaro na makabalik.
Ganyan talaga. Syempre. Masakit lang.
-
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines