Ok naman ang Pergo, pero di ko lang alam ano ang long-term effect pag nabasa. Basically super compressed na MDF kasi yun. Ang ordinary MDF kasi pag nabasa naglalagas.

Ang narra naman, pag halimbawa nasira na ang finish pwede mo i-buff ulit tapos lagyan ng polyurethane para magmukhang bago.

If you can get Narra or Kamagong Planks (super rare), mas ok yun than wood parquet. Problema lang sa Kamagong super tigas ang hirap butasin nun ng pako so drill lahat. Yung trellis na ginawa namin for the then DECS secretary, ok pa rin even after 10years kahit exposed sa elements (rain & sun).

If you wanna get practical, Granite tiles (mga ~1m x 1m / 0.80m x 0.80m ). Matigas, madali linisin. Mahal lang sa una pero worth the price.

It doesn't look as nice as properly finished wood planks though pero depende yan sa taste mo.