Results 1,951 to 1,960 of 4625
-
October 31st, 2021 01:45 AM #1951
Ang issue ng mga jeepney drivers san sila kukuha pambili ng modernized jeepney hindi naman ito sagot ng gobyerno pwedeng utangin pero sa pagbabayad pa lang wala na silang kita.
Yan ang sagot ni duterte. Wala siyang paki.
Tapos kayo pro-poor?
Sent from my LYA-L29 using Tapatalk
-
October 31st, 2021 01:48 AM #1952
Asan na nga yung nerevise at ilatag ang source kasi gusto ko din maliwanagan malay ko ba kung na brainwashed din ako ng history lessons from elementary to high school.
Sent from my LYA-L29 using Tapatalk
-
October 31st, 2021 02:53 AM #1953
Ang pinoprotektahan ni duterte ay yung mananakay na mahihirap din. Kaya sabi niya sa kabutihan ng nakakarami.
Parang divisoria at tondo ni isko, nung pinalinis daming nagalit, nung naayos dami ding natuwa. Ang importante may political will, kung batas kailangan ipatupad dapat across all classes.
Tulad ng kampanya laban sa drug, daming natuwa pero siempre may kumontra. Ito yung nakatira sa mga gated subdivision, mga naka kotse, may bodyguard. Pero ang totoong makikinabang kung mawala o mabawasan itong drug problem ay karamihan mahihirap, walang sasakyan, malayo nilalakad, sa squatter nakatira, etc etc..
Ok kanga sa kandidato mo na use of lesser evil to fight a greather evil, kay digong use of lesser evil for the greather good.
Wag pong kalimutan sa mayo, Isko po sa numero 4 po ng balota
-
October 31st, 2021 03:32 AM #1954
Bakit hindi gawan ng programa para sa mga drivers na mapaphase out yung jeep. I subsidized yung modern jeep or baka pwede yung mga alternatibong jeep na hindi ganun kamahal (dolomite is importanter?). Instead of walang pakialam at ayaw makinig sa hinaing.
Same as Isko. Sinong natuwa dun, yung mga nakasasakyan na hindi na natatraffic.
Drug war? Again, it's a war against the poor dahil puro mahihirap lang naman ang napatay at nahuli.
Minamarginalized ang isang sector, okay lang mamatay sila sa baril at gutom basta malinis naman daw ang bansa, safe naman daw. Now the same people na binabalewala ang kinakasangkapan sa rich vs poor narrative.
Si Isko laging umaapela sa emotions ng mahihirap, laging pa victim one of the poor daw siya. 70M net worth niya, may bahay sa Ayala Alabang, Bentley ang kotse, Michael Cinco ang debutante gown ng anak. Hindi siya mahirap at nakakatawa lang na ngayon ginagamit niya ang mahihirap.
Sent from my LYA-L29 using Tapatalk
-
October 31st, 2021 03:45 AM #1955
Yung mga dilawan daw ang ayaw umasenso ang mahihirap pero lumabas din sa kanya na yung mga manok niya ang walang paki sa mahihirap. Political will daw. Asan yang political will pagdating sa China?
Sent from my LYA-L29 using Tapatalk
-
October 31st, 2021 03:59 AM #1956
-
October 31st, 2021 05:52 AM #1957
Mahirap talaga tanggapin na nagkamali ka at ibinoto mo si Duterte.
Btw this thread is about 2022 presidential elections.
-
October 31st, 2021 06:07 AM #1958
Merong subsidy sa modernization ng mg jeep kaya nga may nakikita kang modern jeep. Pero may mga radical talaga na gusto libre tapos boundary mga driver nila.
Contrary to your belief yung lehitimong taga manila natuwa ang hindi natuwa yung mga dayo na bumili ng pwesto.
Drug war, sinagot na ni digong yan bakit mahihirap nasagasaan. Pero sa totoo yung questionaire kasi sa drug addict tinatanong kung saan galing drugs niya, kaya panic mga pulis kaya inunahan na nila bago sila maturo. Kaya inamin ni digong maraming pulis involve sa drugs kaya isang group lang pwede mag raid.
May pera asawa ni Isko.
Sa gwapo niya nayan daming sugar mommy applicant yan, wag monang isama mga bading.
Sa 70m na sinasabi mo, act ng konseho yan, siya lang vm kaya siya nag preside.
Pasensya kana kung may wrong spellling galing ako halo party...
Pero wag kalimutan, isko numero r4 sa balota...
-
October 31st, 2021 06:43 AM #1959
Magkano yung modern jeep, aabot hanggang 2.4M. Ang subsididy 80K (ginawang 160 nung pandemic).
Oo may mga natuwa nga sa ginawa ni Isko dahil napaliguan ang maynila. Still anti poor siya(yun kasi pinag uusapan diba).
Hindi ko naman kinukwestiyon san galing yung 70M niya masyado kang defensive. Ang sinasabi ko lang contrary sa claim niya, hindi matatawag na mahirap ang tulad niya at funny lang na biglang kakampi na siya ng mahihirap.
About the drug war. It's a war on the poor, a scam and a failure.
Sent from my LYA-L29 using Tapatalk
-
October 31st, 2021 07:17 AM #1960
Maraming model ang modern jeep, the fact na may mga cooperative na nag aval ibig sabihin feasible and affordable. Pero ang point para yun sa convenience at safety ng riding public which are mostly poor.
Kung pinaalis niya yung naka tolda sa divisoria na bumili mg pwesto na 30k at 15k/ month na rental, hindi mahirap yan. Malaki pera sa trader ng gulay. Na post kona dito sa tsikot how a 4 tons of garlic can give you a 2 M profit in 1 week kaya wag mong smallen yang nag gugulay sa divissoria. Sa siling labuyo lang that sells 1k/kg at a buying price na 250/kg, million na kikitain mo.
Alam niya kasi kung saan siya galing, kaya inspiration binibigay niya sa youth na mahihirap na wag mawalan ng pag-asa. Pero undeniably galing talaga siya sa hirap.
Hindi scam drug war, unfortunately mahihirap nabibiktima ng drug trade, pero ang drug trade hindi nagsimula sa termino ni digong, minana niya yan. Nung panahon ni marcos , firing squad ang pusher kaya yang drug menace lumala yan sa watch ng mga dilawan. Ikaw na nagsabi binoto ng boss mo si digong dahil sa criminality, minana ni digong yang sakit ng lipunan nayan. Its too bad sa lahat ng war may patay talaga, hindi naman sila nag kukurutan lang diba.
The streets are safer now, especially sa mga babaeng tulad mo.
Isko po, numero 4 sa inyong balota.Last edited by glenn_duke; October 31st, 2021 at 07:26 AM.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines