Results 41 to 50 of 86
-
December 24th, 2014 09:42 AM #41
May ganyan ding inaanak ang tatay ko. Taon taon yan, pumpunta dito, bitbit pa buong pamilya. No choice talaga kundi lahat sila pakakainin mo at bibigyan ng pera. Eto pa ang epic dati. May inaanak nanay ko, 1 week before Pasko bininyagan yun bata. Aba eh pagdating ng Pasko nagpunta sa bahay para mamasko. Nainis kaya nanay ko pagka-alis nung mag-pamilya.
-
December 24th, 2014 09:49 AM #42
Pinalaki kasi ako ng mga magulang ko na hindi namamasko sa mga ninong at ninang ko. Sabi ko nga sa mga magulang ko noon, bakit di tayo magpunta sa mga ninong at ninang ko para mamasko? Sabi lang nila, wag ganun. Antayin mo na ikaw ang lapitan at bigyan at hindi mo dapat sila pilitin na magbigay sila sa iyo kasi Pasko. Kung baga, hindi daw ganun ang role ng ninong at ninang dapat na hingian ng regalo pagdating ng Pasko.
-
December 24th, 2014 09:56 AM #43
Bawas na rin ata carolling. May mga kumakatok sa gate namin...."Namamasko po!"
Aba, kumanta ka muna......
-
December 24th, 2014 12:35 PM #44
I just realized i hate christmas already. Haha
Kahapon ng umaga feeling mayaman ako nung tinitingnan ko wallet ko.
Ngayon umaga nasimot na, negative balance pa ako dahil may mga abono si misis.
Greeting everyone Christmas!!
(Inalis ko na yung merry)
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 53,883
December 24th, 2014 12:38 PM #45
-
December 24th, 2014 01:29 PM #46
langhiya tong mga to. kuwento kayo ng kuwento tungkol sa mga kamag-anak,
silip tuloy ako ng silip sa bintana.
baguhin niyo naman mga kuwento niyo, di ako mapakali.
ang init at ang dilim pa naman dito sa loob ng bahay pag sinarado ko lahat.
-
December 24th, 2014 01:31 PM #47
Yung mga katutubo na nagsusulputan sa metro para mamalimos sa major traffic roads. Traffic is 3X than normal at kahit saan lupalop eh traffic, ke ma kalye, parking area at loob ng mga malls & supermarkets.
-
December 24th, 2014 01:35 PM #48
Sugod buong angkan sa bahay. Kaya ako sa kwarto na lang, tulug tulugan.
-
December 24th, 2014 02:17 PM #49
-
December 24th, 2014 03:15 PM #50
I hate the traffic. Yun lang naman. Also, yung mga animal tendencies ng mga tao, lalo na drivers, lumalabas pag christmas.
Yung 10min travel to my kid's school, pag december, nagiging 1hr. Yung 40mins travel from office to residence, nagiging 3hrs.
yung parking sa mall, blockbuster ang pila ng mga sasakyan that by the time makapark ka, tapos na mag-grocery misis mo so labas ka na ulit. hahaha.