tanung ko lang sa mga tsikoteers natin na estudyante pa lang o nag-papaaral. magkano ang daily allowance niyo or magkano ang ibinibigay niyong baon sa mga anak niyo?
i'm still stuck with my era where a hundred bucks is enough to take you to blissful dumbness. like me having a hundred bucks before can give me a decent meal in any junkfood chains and the change can still make me watch a movie in a theater and still have a choice if you wanna be in the balcony or lodge. magkano lang cine noon nasa 25 petot yung taas tapos 15 yung baba!
pag may kalampungan ka doon ka sa pinakataas sa may gilid kung saan madilim. alam niyo yan huwag kayong sinungaling!
ang pamasahe noong inabutan ko, piso-1.50-2.00! suabe!
kaya ko natanong parang grabe kasi yung 350-400 petot na ibinibigay ng mga kilala kong parents din. kung sabagay sa pamasahe pa lang, ubos na pera mo tapos yung budget meal sa recto at gilid ng uste nasa 50 up pero mantika na lang palasa nung pagkain!
ang malungkot yung ibang 350 ang baon na uuwi sa bilyar, tambay, inom, porma o kung anu-anung kagaguhan na ginawa ko rin noon habang mga magulang naghihirap para mapatapos ang kaniyang mabuting anak.
kayo magkano baon niyo o naging baon niyo noong unang panahon?