(AP)

KUALA LUMPUR --- Mas mapapadali umano sa panganganak ang isang buntis kung makikipagtalik ito sa kanyang kapartner sa huling mga araw bago ito manganak.

Sa isinagawang pag-aaral ng mga Malaysian doctors sa may 200 healthy, married women, lumitaw na karamihan sa mga nakikipag-*** noong mga huling linggo ng kanilang pagdadalang-tao ay mas napapaaga sa panganganak at hindi nahihirapang magluwal ng sanggol habang nasa 38-40 weeks ng kanilang pagbubuntis, ayon kay Dr. Tan Peng Chiong, isang obstetrics and gynecology lecturer sa University of Malaya.

Ang full-term pregnancy ay nasa 38-42 weeks.

"We found out that the women who had *** go into labor slightly earlier," sabi pa ni Tan na idinagdag pa na patuloy pa silang magsasaliksik sa paksang ito.

"Anecdotally, many people feel that ***ual intercourse has an effect on promoting labor," dagdag pa ni Tan sa isang interview.

Ang study result na ipinalabas ni Tan kasama ang ilan pang doctor ay base sa journals na ginawa ng mga nasabing kababaihan kaugnay ng kanilang ***ual activity umpisa sa 36 weeks ng kanilang pagbubuntis