Results 11 to 20 of 53
Threaded View
-
March 16th, 2012 10:09 AM #1
Alam na ng buong mundo na isa kang GAGO...
How a P14M lotto winner lost it all | ABS-CBN News
Taong 2008 nang maging instant milyonaryo si Dionie Reyes.
Si Dionie ay 42 noon at nagtatrabaho bilang isang utility worker nang manalo ng P14 milyong.
“System 7, lucky pick, kaya lahat ng kategoryang ‘yon hawak ko. Sabi ko, ‘Lord, thank you po, sana ako na iyon.’ Pero hindi ko po tinitingnan ticket ko,” sabi ni Dionie.
Makalipas ang tatlong araw tiningnan ni Dionie ang hawak niyang ticket.
Doon na niya nakumpirma na siya nga ang jackpot winner.
At nang makubra ang pera...
“Sabi ko sa manager ng bangko, magwi-withdraw ako ng P1 million para ma-experience ko makahawak ng P1 million. Atsaka issue-han niyo ako ng tseke, bibili ako ng Fortuner,” sabi ni Dionie.
Isang bahay na may halagang P4 milyon ang binili rin ni Dionie para sa kanyang mag-ina.
At patuloy rin siyang nagbigay ng balato sa mga kapamilya, kaibigan at ka-opisina.
Maganda na sana ang kanyang buhay hanggang unti-unting naubos ang pera sa alak, babae at sugal.
Napilitan na ring ibenta ang kanilang dream house para ipambayad sa ilang utang.
“Kaka-sabong nga po. Siyempre nangungutang ako na dapat bayaran kaya napapabenta,” sabi ni Dionie.
Matagal nang bumalik sa trabaho si Dionie.
Noong nakaraang taon, inoperahan siya dahil sa sakit sa puso.
Halos wala nang natira sa kanya.
Maliban sa isang bahay na nagawa pa niyang mabili.
May ilan pa rin siyang utang na kailangan bayaran.
Si Boss Kaka na nabalatuhan din ng P100,000 ni Dionie, nanlumo sa sinapit ng kanyang empleyado.
“I feel bad for him kasi ilan lang ang nananalo ng jackpot?” sabi niya.
Isa lang si Dionie sa mga taong matapos maging milyonaryo ay muling naghirap dahil winaldas lang ang kayamanang napanalunan.
Maluwag na naikuwento ni Dionie ang kanyang istorya.
Sana raw ay magsilbi itong aral sa mga tatama sa lotto na pangalagaan ang kanilang panalo at huwag iwaldas sa masasamang bisyo. Pinky Webb, Patrol ng Pilipino
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines