Results 121 to 130 of 1411
-
August 8th, 2006 03:43 PM #121
may contractor na ko...si van wilder! pampagawa na lang ng bahay ang kulang. ipon ipon pa..
-
August 8th, 2006 03:50 PM #122
raikonen kami rin nagpapagwa ng bahay at ang ganda ng mga tip ni van_wilder...
piliin mo lang mabuti ang contractor kasi kami may problema ngayon sa schedule...delayed na sobra at mukhang ginagamit ng contractor namin yung pera sa iba tsk...bumagal na ang dating ng materials itong 60% na ng construction...panay tuloy kami follow up sa contractor...
wag mo kalimutan na isama sa contract ang PERFORMANCE BOND...sa amin kasi pumayag kami ni misis na ipagpaliban na ito, yan ngayon wala kami fall back kahit 2 mos delayed na....kung meron lang sanang performance bond eh baka nai award na sa ibang contractor ang paggawa nitong bahay namin...kahit na meron syang php 2.6k penalty per day eh sakit pa rin ng ulo kapag di nya tinapos ang bahay....
kung kailangan mo ng panambak eh pwede kita bigyan...di ko lang alam kung malapit sa iyo ang Tambo, Paranaque...
ako rin nga pala may question:
ano ang mga kailangan sa proseso ng arbitration kung sakaling maubos na ang pasensya namin dito sa contractor namin? nakasaad sa contract namin eh sa Makati ito...
-
August 9th, 2006 03:54 AM #123
chieffy - thanks sa offer mo na panambak. malaking tulong yan kaya lang gawing north ako.. outside the metro, malulugi pa tayo sa gas..hehe
yes, magaganda talaga mga tips ni van_wilder at very helpful.. pati na din itong sinabi mo na Performance Bond.. this is the first time na narinig ko ito. i assume this an assurance na sakaling di nya matapos (on time) yung project ay may makokolekta ako.. paano ba ito..
Thanks
-
August 9th, 2006 08:16 AM #124
15-20k..magandang maganda na yan....yung sa akin inabot lang ng 10k
post ko pic later..
kung magpapagawa kayo..better kayo mismo ang makipagusap sa mga supplier nyo or dun mismo sa pinagkukuhanan na materials...never nyo ipaubaya sa contractor nyo.....nangyari sa amin puro utang pala yung ginawa ng contractor namin ng hindi namin alam..pero fully paid naman kami sa contractor...
-
August 9th, 2006 05:15 PM #125
minsan masmura depende sa situation...
sa waterproofing may choices ka... critical ito since madalas ito nagiging problema ng roofdeck...
first of all, pinakaimportante, dapat READYMIX CONCRETE ANG BUHOS, AT ISANG BUHUSAN LANG... hindi pwede putol putol, dapat monolithic yun roofdeck para walang tagas talaga sa concrete, then waterproofing:
a. sahara
b. mortar seal
c. rubberized asphalt
kami we have experience both with and A and B, but we suggest C - rubberized asphalt, kasi yun dalawa kung hindi magaling yun naglagay yari na... sa rubberized asphalt dapat maayos yun pagkagawa...
may boysen na water based...
wala ng magagawa kung ganun... nakapirma na kasi... breach of contract nalang kung lampas na yun date dapat ng turnover, tapos usually may payment for delay...
may mga ganun contractor pero wala ng kinalaman dun ang owner, hindi kayo pwede habulin dont worry... kami we established lots of credit line, pero we make sure na bayad kami on time or minsan before pa lang kasi for long-term relationship kami with the suppliers. we dont see ourselves getting out of the contracting and construction industry for the next 100 years... Direct kami kadalasan mismo dun sa manufacturer kaya hindi kami pwede tumakas, at yun ibang supplier eh family friend or family ng blockmate ko sa college...
-
August 9th, 2006 06:08 PM #126
van wilder,
me suggestion ka ba what brand magandang thermal insulation sa yero?
ano feedback sa mga ordinary insulators? baka after 5 years or so mainit na rin ang bahay namin.
-
August 9th, 2006 06:27 PM #127
-
August 9th, 2006 07:44 PM #128
tsinita:
Use boysen brand na lang, madami silang water based , visit www.boysen.com.ph
raikonen:
pag bumili ka ng yero better ask the thickness in mm not in gage #24 or #26, kc madaya ang mga manufacturer ngayon, dati kc standard #26 is 0.4mm, ngayon may mabibili kang 0.35mm and 0.3mm pero #26 pa rin ang tawag kc yun nga nakasanayan na natin #26 sa makapal or #31 sa maninpis, ang masama pa nito UNDERSIZE lahat sila (paging DTI) example sa 0.4mm na yero, nakatatak sa yero mismo 0.4mm thick pero if you measure it in caliper nasa 0.36 -0.35 mm or lower , sa 0.35 naman actual s 0.32-0.31 or less pa, so better Buy #24 , std #24 is 0.6mm pero actual siguro is below 0.50mm
109:
try INSULATION FOAM , use 10mm thick double sided foil, I think hindi magbababago heat protection niya unless napunit o nabutasan, price around 4000 ++, 1mt high x 50 mts long/roll
-
Tsikot Member Rank 5
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,144
-
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines