Results 71 to 80 of 1411
-
August 6th, 2006 04:29 PM #71
hmm... the fact na palagi binabaha jan dapat muna gawan ng paraan ang baha by asking your baranggay to do something?
Pero kung palaging baha jan... baka dapat lumipat na kayo ng location....
-
-
August 6th, 2006 05:29 PM #73
hey, im a contractor, houses and for the government...
tips ko sa iyo...
-first conduct a site visit of the past projects done by the contractor, here you should meet the owners of the houses, because malalaman mo kung may reklamo. kung ayaw ng contractor that would already tell you something... ibig sabihin nagtatago...
-it would be better kung sanay na siya sa bahay, kasi kung hindi mahihirapan siya since bahay ang pinakamabusisi na gawin
-dont go for contractors who would recommend cheap materials 'para makatipid ka' usually these contractors ay babaratin ang materials para lumaki ang margin nila, dont go for contractors who are obviously trying to secure their profit... kung magkagipitan iiwan ka niyan...
-ask for building permit and all necessary permits, kahit sino pang demonyo ang contact nyan contractor mo sa city hall kung wala kang permit mahihirapan ka for basic utilities... we have lots of govt contacts but we never failed to acquire permits since magiging problem yun ng client in the future
-ask for the brand of materials to be used (kung roof tiles CPAC monier lang ang gamitin, kung sliding windows bradnams, medyo masmahal pero you'll see the difference)
-ask what tiles ang gagamitin, anong roofing, anong paint, etc...
-use phelp dodge sa electrical wires, para even yun kuryente, siyempre ayaw mo magkaroon ng malakas na kuryente on one side and walang kuryente on the other side
-sa painting use only boysen and have their marketing staff train your painters before painting (free of charge yun) or else faded yan pintura mo after 3months... primer and top coat dapat boysen... kung sinabi niya na pwede naman ibang brand sa primer, hindi marunong yun... dapat sa pintura yun primer ang masmaganda kasi yun ang foundation, kung pangit ang brand ng primer magtutuklap yan...
-after palitada dapat 14 days hindi gagalawin at sulatang ng chalk kung kelan yun last palitada kung may tiniktik at hinabol wag muna pinturahan yun part na yun wait for 14 days or magspot spot ang pintura mo after a year...
-make sure na may DATA, TELEPHONE, and CABLE connection ang buong bahay kahit hindi mo ito gagamitin agad, dapat naka-abang na... required na yun ngayon...
sa materials, maliit lang ang difference and contractor ang nag-aabsorb nun. after years in construction ito ang breakdown ng construction per year 1stQ - 24% 2ndQ - 27% 3rdQ - 22% 4thQ - 26% no difference masyado kaya dont worry about the price changes...
ang pinaka-importante, dapat may FIELD PERSONNEL or ARCHITECT/ENGINEER ON-SITE, hindi yun bumibisita lang everyday, yun nandoon buong maghapon, kahit yun contractor pa ang engineer/architect dapat may tao rin siya on-site hindi lang yun foreman... magkakaproblema yan kapag wala... dapat may bodegero din para may responsible sa mga materials or magkakanakawan yan...
last, ask for 1 year warranty and ask for after-sales service, where can you contact them, ask for their mobile number, website, email address, telephone number, and address... make sure nakadaan ka na sa office or house man lang nila para alam mo kung saan sila pwede habulin...
dun sa mga brands na recommend ko (especially phelp dodge) yan ang ginagamit namin kahit lumiliit ang profit namin ang amin lang is, dapat masaya and walang problema ang owners ng bahay (or even ang govt) alam namin na pinaghihirapan ang pera, so dapat the client should never ever feel shortchanged or dissatisfied...
if you have any questions please dont hesitate to ask me... il be very happy to answer it and help my fellow tsikoteers...
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
August 6th, 2006 07:00 PM #74Ganda ng Tip mo van_wilder... add ko lang na tanong magkano ka kalimitan ang down payment pag mag papa construct ng bahay..at yung next payment ano anong common deals ang dapat tandaan in terms of payment procedures?? mas safe ba ang check or cash?
-
August 6th, 2006 08:15 PM #75
Originally Posted by van_wilder
Nice one, Sir Van. Nakakuha ako ng pointers.
Papagawa din ako kasi ng bahay, Sir..... So ok, pala yung CPAC. Yun kasi ang pam-bubong ko. Ano po ba ang alternative sa wood parquette? Madalas kasi natutuklap ito, pag katagalan, kaya ayoko na nito. Merong nauuso ngayon yung parang "laminated na tabla (T&G)", madalas ko makita ito sa mga boutique at shopping malls. Okay ba ito? Magkano ba presyo nito?
-
August 6th, 2006 08:47 PM #76
Originally Posted by NightRock
ang payment usually ganito
30-35% downpayment
15% after 30 days
15% after 30 days
15% after 30 days
15% after 30 days
5-10% upon completion
or
30% downpayment
20% after 30 days
20% after 30 days
20% after 30 days
10% upon completion
cash or check, it doesnt matter... pero maganda kung check or MC para safe yun contractor, pero before downpayment, make sure alam niyo kung saan office/house nila and you have contact numbers pati may contract... better be safe than sorry... ALWAYS ASK FOR OFFICIAL RECEIPT OR ACKNOWLEDGEMENT RECEIPT UPON PAYMENT... this would serve as proof...
-
August 6th, 2006 08:48 PM #77
Originally Posted by chua_riwap
kapag roof tiles (CPAC) iba ang spacing ng purlins... pero i guess naiayos naman yun sa design... kaya medyo mahal siya... pero at least hindi mainit kung summer
-
August 6th, 2006 08:51 PM #78
van_wilder, meron ba kayong additional charges kapag sa province ang itatayong bldg? or same lang din sa metro manila?
Signature
-
August 6th, 2006 09:09 PM #79
dapat si van_wilder na gawin nyong contractor mas siguradong hindi titipirin mga bahay nyo.
-
August 6th, 2006 09:09 PM #80
same lang kasi may mga materials na masmura sa province like aggregates...
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines