Results 21 to 30 of 82
-
February 27th, 2007 09:32 AM #21
Sir naexperience na rin namin yan. Kasama ko pinsan ko na girl sya ang driver, may susunduin kami sa dagupan bus terminal pero hindi namin alam exact location along EDSA. Mga 7-8am Saturday so medyo maluwag pa ang traffic. Umabot na kami sa SM north di parin namin makita nag u-turn kami tapos may mmda nagtanong kami kung saan yung Dagupan bus sabi sa amin layo na daw namin, balik ulit kami. Along EDSA meron kami nakita 5 mmda so sabi ko "ayun mmda tanong tayo ulit baka malapit na tayo". Nag stay kami sa next lane after nung PUV lane tapos nag hazzard na kami para may warning na yung nasa likod namin which is wala kami kasunod dahil medyo maaga pa. Mga 5 meters na lang kami sa mga mmda medyo pumasok kami sa PUV lane para magtanong. Biglang gumitna sa harap namin yung mmda at sabi sa amin, "lisensya" sabi namin bakit po sir? magtatanong lang naman po kami kung saan yung dagupan terminal dito? Swerving daw kami at pumasok daw kami sa PUV lane. Sabi nga namin sir naliligaw po kami at magtatanong lng sana kami ng directions sa inyo. "1000 daw" sabi sa amin, sabi ko saan ba kukunin ang lisensya? sa QC hall daw. Sabi ko sa pinsan ko ibigay mo na lang license mo at dun na lang tyo magreklamo. Medyo nag isip pinsan ko sabi nya kung malapit lang ang QC hall ok lang kaya lang malayo sa amin and ayaw pa nya makipag argue nakipag tawaran sya 500 dw, para tig 100 silang 5. After namin iabot yung 500 saka lang sa amin tinuro yung dagupan bus terminal na 1 block away na lang at talagang papasok kami sa Puv lane dahil nasa corner ung terminal. Dun namin narealize na talagang hazzard ang EDSA sa mga naliligaw at gustong magtanong ng direction.
-
February 27th, 2007 09:33 AM #22
you should have asked first kung pwede magtanong? when they said yes,
they didn't have the right to accuse you of any violation. next time better
to have at least 50 peso bills para at least humirit man di aabot ng 500
-
February 27th, 2007 09:41 AM #23
Yun nga Sir yung sinabi namin kaya lang desidido na talaga sila mangotong sa amin dahil tuwang tuwa yung 5 as in parang nakajackpot sila. Di naman po talaga kami naglalagay pag nahuhuli kaya lang talagang hindi kami masyado nagagawi sa QC kaya nag risk na lang siya sa kotong nung mmda. Pasensya na po at nagpakotong kami.
-
February 27th, 2007 10:08 AM #24
Yikes! Sorry to hear what happened Bro. It's no longer surprising to note how low these guys can stoop just to make a buck. Mga walang hiyang buwaya talaga o. Humihingi na nga ng tulong, hinuli pa. Eh pano kung inatake ka pala sa puso at napatigil ka sa gitna ng kalye, kakasuhan ka ng obstruction?
You should've gotten these guys' names and taken a pic or video of these *holes in action. Kung hindi pa rin sila madala, isumbong kay Tulfo. They give their agency a bad name (well, at least a name that's worse than it already has). Kawawa naman nga talaga yung mga enforcer na may mabuting intensyon. Damay-damay talaga.
-
February 27th, 2007 10:19 AM #25
Hindi na namin nakuha Sir sa sobrang sama ng loob namin, to think na akala namin sila na yung solusyon para di na kami maligaw yun pala lalo lang kami madidisgrasya...(wallet namin) Kaya charge na lang to experience kung naliligaw ka sa EDSA ubusin na lang ang gasolina sa tangke kesa maubos pera mo sa wallet ng walang kalaban-laban sa mga buwaya. Salamat po!
-
February 27th, 2007 10:33 AM #26
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Sep 2003
- Posts
- 786
February 27th, 2007 10:44 AM #27na-experience ko din yan infront of Robinson along EDSA. Normally, daming bus dun and they block the entrance going to the entrance of the mall. Then may nakita akong MMDA, I keep right occupying part of the PUV lane and ask the MMDA guy how to go to the entrance of the Mall, sabi ba naman niya, may violation daw ako dahil nasa PUV lane ako. Sabi ko, "bosing nagtatanong lang naman ako ah, sige tiketan mo ko," sabay tingin sa name tag niya. nakahalata yata kaya pinalayas na lang ako...hehehe...sometimes sindakan lang naman.
pero in fact, I don't know if there's actually an entrance to the mall along EDSA. tagal na kasi akong di napunta dun, more than 5 years na yata.
-
February 27th, 2007 11:01 AM #28
potik wala na ata P50 ngayun na pang bribe e, lowest na ata 200 or 100, mga ganyan tinatakbuhan ko na lang, lalo na kung clear road ahead, one time nag swerve ako dun sa EDSA going south bago mag buendia ayun kinawayan ako, ginawa ko nag-bitek ako, e ang destination ko sa pasong tamo, akalain mo pinapara din ako ng MMDA dun, e di bitek ulit sabay cover sa BUS ayun di nakatawid yung MMDA
-
February 27th, 2007 11:14 AM #29
A bit OT: when these MMDA boys try to get your money and you contest it in their face, they will threaten to remove your license plates. In this case, make sure you secure your plates with a unique kind of fastener (allen/hex and torx wrenches come to mind). That way wala sila magagawa.
A couple of these goons tried to get ours dati when the intersection was obviously ambiguous (Cubao going to Sta. Mesa atop the underpass, below the LRT). I'm sure they made it intentionally ambiguous to distract motorists. Di ako pumayag, so one of them walked in front of the car and tried removing the plate. Di niya magawa dahil iba yung fastener. Ayun when the light turned green I just floored it and left them. They never followed and I kept looking in my rearview mirror. They just want a quick buck.
So the first rule of thumb is to ask for their name. Pag tinanong nila baket, sabihin mo para alam mo kung sino irereklamo para masesante. Or use the cheque method I mentioned. If they ask for lagay, sabihin mo wala kang dala and don't take out your wallet. Tanong mo yung sa cheke sabihin mo para alam mo kung kanino susulatan. Malamang they will ask for your license, don't give it to them if you sternly believe na you're innocent.
Kung di pa sila pumayag at makulit pa rin, mangyayari is paikot-ikot lang kayo sa usapan. While talking, find an opportunity and opening on the road and just floor it. It's not worth wasting your time to these goons. They're supposed to be making things easier for all motorists but in reality, they're too selfish to do so.
-
February 27th, 2007 11:16 AM #30
dapat pala sa susunod bago ka magtanong, abutan mo na ng P50.
you: boss, eto P50 ...
MMDA: bakit?
you: bayad sa tanong. San ba kami puwede lumiko dito
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines