Results 3,771 to 3,780 of 3883
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2008
- Posts
- 173
April 23rd, 2010 12:52 AM #3771Binili ko yung polisher ko sa Ace Hardware nung mag-sale sila last month. Bosch ang brand at multi-speed. Kailangan e multi-speed, kasi masyadong mabilis ang ikot nung single speed lang at baka magasgas ang paint job mo (although palagay ko e hindi naman). P3,900 + ko nakuha pagkatapos ng 10% discount, at additional yung binili kong velcro-polishing disc at saka foam. Ang husay at recomendado ko! Mga dalawa o tatlong gamitan mo nito sa Carens mo e katumbas na nang pagpapa-detalye sa shop, kaya bawi ka kagad ng puuhunan dito.
Ang galing, tanggal lahat ng water spots sa body at saka sa mga windshield at side mirrors. Bumili ako ng liquid rubbing compound ng 3m, inihalo ko sa tubig at saka Turtle Wax para di masyadong matapang ang rubbing compound at ini-spray ko sa body/windshield...tapos niratsada ko na nang polisher. Karaniwan madaling tanggalin, pero may mga bahagi na mahirap tanggalin ang water spots kaya pinaulit-ulit ko. Yung mga shops e "kerosene" ang ginagamit na liquid, pero natatakot ako na gamitin ito kasi baka mabakbak ang pintura, di naman ako "pro". Okay lang ang tubig ang ihalo, kaysa sa kerosene..
-
April 23rd, 2010 01:38 PM #3772
-
April 23rd, 2010 01:42 PM #3773
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2008
- Posts
- 173
April 23rd, 2010 09:47 PM #3774Nagpunta ko sa Auto show sa Trade Center, at di pa ko nadala nagpunta din ako sa auto show sa Mega Trade Center sa Mega Mall. Parehong big disappointment ang mga ito.
Dun sa Manila Auto show, mas kaunti ang nag-participate na mga Car dealers, at ang mga naka-display ay limitado ang mga models. Mas kaunti ang naka-display ngayon kumpara nung isang taon. Halata na walang participation ang Hyundai, kahit na isang gulong man lang. Ang Kia ay limitado din ang mga models; walang KIA CARENS, CARNIVAL O ang bagong SORENTO at saka FORTE. Ang pinaka-malaking presence dun ay ang mga Chinese brands; Great Wall, FOTON, etc. Mukhang bumabanat ang mga Chines-made..Kung looks lang ang pagbabatayan e okay na okay na ang mga Chinese vehicles; pero siyempre at ingat lang...di natin malaman kung ano ang performance ng mga ito.
-
April 25th, 2010 01:04 PM #3775
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 164
April 26th, 2010 02:05 AM #3776Sir joshua, ingat lang po sa experiment natin baka pati topcoat natin matangal.A good detailing shop would tell you na hangang tatlo o apat na beses mo lang pwede ipa-3-step ang kotse mo. I would rather lean on the more gentle method of cleaning my car like maybe using a detailing clay. It's a good habit to wax your car regularly with a good carnuba wax (never use turtle, it's too grainy when it's dry). I wax my car every two weeks. It prevents the rain stain from forming.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2008
- Posts
- 173
April 28th, 2010 12:23 PM #3777Wag kang mag-alala at aware ako nuon. Balak kong gawin ito ng mga once every two years lang at gamitin ang wax once a month. Sa ngayon e liquid Carnauba wax nga ang ginagamit ko at saka tubig ginagamit kong pang-spray kapag natuyong masyado ang wax at di agad matanggal. Pero sa pagpapakintab e gamit ko pa rin ang polisher para mas mabilis ang pakintab at kinakamay ko yung mga parteng di puwedeng gamitan ng polisher.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 164
April 28th, 2010 08:23 PM #3778I make sure that my car is clean before i go to work. Mostly California duster followed with quick detailer if the car is not dirty... or else I wash it with good car shampoo with pH balance. I waxed my car every one to two weeks for protection against the elements, kailangan eh, lalo na pagnakadaan na ng buffing, waxing is an added protection dahil in a way manipis na ng kunti yong top coat. I also apply rubber conditioner to the all plastic and rubber moldings as often as i could. Quarterly, I polish and wax(2-step). Once a year lang ako nagpapa-3-step when needed.
-
April 30th, 2010 08:38 PM #3779
Do you guys know how much is the renewal of car registration for our carens? malapit nang mag 3yrs carens ko eh. TIA
-
May 2nd, 2010 12:14 AM #3780
sir nag quote sa akin ang malayan (RCBC) ng 16k with AOG na yon...para sa third year ko na rin... sila din yung kinuha ko nung kumuha ako insurance for the second year .. will try to haggle for a little more discount kasi wala naman akong claims sa kanila for the past year...