New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 31 of 93 FirstFirst ... 212728293031323334354181 ... LastLast
Results 301 to 310 of 927
  1. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    19
    #301
    Quote Originally Posted by kimjexziel View Post
    Galng ako sa mga pang pakboy na sasakyan na puro lowered at manual.

    Nagpalit ako ng BRV. First time to drive CVT. Personally medyo kulang sa oomph pero kung overall kuntento naman ako sa power. Sinubukan kong punuin ito ng pito plus gamit. Drive papuntang Tagaytay. Naexperience ko highway, moderate traffic, at bumper to bumper traffic. Naka set lang yung kambyo ko sa Drive. Nag S lang ako nung highway. Kayang kaya niya tumakbo ng 120kph. 100kph kung gusto ng mas stable. Yung matatarik na parts, kayang kayang buhatin kaming lahat. Medyo may konting ingay lang sa makina pero smooth pa din takbo. Mas nappreciate ko yung CVT nung bumper to bumper. Overall satisfied ako sa pinalit ko lalo na kung ang purpose lang na habol ko una pang city driving, pangalawa panghakot ng groceries, at pangatlo mas mataas na clearance kapag baha. Alam mo naman satin, sabay sabay na umihi lang yung mga bakla sa kanto, tumataas na agad yung tubig (exagge lang po, peace).

    Yung mga accessories, bonus na lang yun para sakin. Matino yung touchscreen na head unit. May bluetooth at USB port. Sinubukan kong magpatugtog at masasabi kong para sa stock na system, pwede na. Maayos yung aircon. Malamig hanggang 3rd row. At nga pala, base dun sa mga nakaupo sa 3rd row, wala naman daw silang ngalay sa loob ng 2 hours. Hindi din sila pinulikat. 5'5" nga lang pala yung pinakamatangkad sa 3rd row. Masaya din sila kasi may patungan sila ng cellphone sa gilid. Wala daw nun sa iba. Medyo gawa sa plastic yung karamihan na parts sa loob. Wala ding armrest sa 2nd row yung S variant. Pero lahat naman ng pinto eh may lalagyan ng tubig. Tapos wala ding sagabal na umbok sa inaapakan nila sa gitna.

    Para sa akin, sa presyong 989k, tatak Honda, maayos na makina, kayang magsakay ng pito, kayang lumusong sa konting pagbaha sa Manila, at sobrang daling I-park, ay sulit na ito. Pogi din daw sabi ng mga chikababes kong katrabaho hihi. Ngayon kung willing kayong gumastos ng mas malaki at may budget, tapos madami kayong kelangan na features at kung anik anik, siguro mas okay kung susubukan niyo yung ibang options. Pero sa presyong ito, na halos kapresyo lang ng top of the line na vios, sa palagay ko mas bang for the buck ng bumili ng BRV.
    THIS. Same sentiments! :D

  2. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #302
    Quote Originally Posted by StockEngine View Post
    Bro ano name ng agent? Kahit first name. Pwede ko ireport sa taas. Also ano model and color?
    Which dealer? Yung Honda Rizal o Marcos Hiway?

  3. Join Date
    Jan 2016
    Posts
    6,771
    #303

  4. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    27,624
    #304
    Quote Originally Posted by ronw123w124 View Post
    Which dealer? Yung Honda Rizal o Marcos Hiway?
    Honda Rizal bro

  5. Join Date
    Nov 2016
    Posts
    11
    #305
    Hi. Share ko lang po yung fuel consumption ko. Sinamantala ko yung Holdiay season para gawin ito.

    In-board fuel consumption:
    City driving (mod-heavy traffic) 9.8 kpl
    Highway (60-80kph speed) 16.1 kpl
    Combination of city and highway (light to heavy traffic) 11.4 kpl

    Full tank method:
    Combination of city and highway (light to heavy traffic) 14.6 kpl.

    QUESTION:
    Kelan po ba ako pwede magpacarwash? May nagsabi kasi wag ko daw galawin hanggang 3 months kasi may 3-step detailing daw na nilalagay ang casa sa brand new cars. Totoo po ba ito? Medyo madumi na kasi yung sasakyan dahil sa ulan at putik pero hindi pa naman ganun ka dugyut. Pwede ko na po kayang ipacarwash? Salamat.

  6. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    1,488
    #306
    Quote Originally Posted by kimjexziel View Post
    QUESTION:
    Kelan po ba ako pwede magpacarwash? May nagsabi kasi wag ko daw galawin hanggang 3 months kasi may 3-step detailing daw na nilalagay ang casa sa brand new cars. Totoo po ba ito? Medyo madumi na kasi yung sasakyan dahil sa ulan at putik pero hindi pa naman ganun ka dugyut. Pwede ko na po kayang ipacarwash? Salamat.
    Anytime kung madumi na.

  7. Join Date
    May 2016
    Posts
    546
    #307
    Hehe wash and wax lang ginagawa ng casa bago irelease.

  8. Join Date
    Nov 2016
    Posts
    11
    #308
    Quote Originally Posted by Lakwatsero View Post
    Hehe wash and wax lang ginagawa ng casa bago irelease.
    Ganun ba? Salamat sa impormasyon. Sige pawash na ako hehe.

  9. Join Date
    Jan 2016
    Posts
    6,771
    #309
    3 step nga.. wash, wax, wipe

    Quote Originally Posted by Lakwatsero View Post
    Hehe wash and wax lang ginagawa ng casa bago irelease.

  10. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,312
    #310
    Got a call from my bank on Dec. 21, approved na daw.. asked my agent at Honda Shaw, Dec. 22 daw dadating ang units nila.. Dec. 23 nailabas ko yung unit..

    Did 90kms Mandaluyong to Laguna via SLEX, 4 pax and a lot of stuff on the 3rd row.. registered 15.3kpl (medyo na trapik na sa Los Banos going to Sta. Cruz).
    Then did another 180kms from Laguna to Batangas then back to Mandaluyong with 7 pax on board, registered 13.3kpl

    so far so good, nakakapanibago lang yung CVT, medyo mabagal pala sya sa simula.. pero ok naman sanayan na din lang..

    don sa byahe namin, wala man lang ako nakasabay na BR-V sa kalsada..

Tags for this Thread

Honda BR-V