New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 26 of 107 FirstFirst ... 162223242526272829303676 ... LastLast
Results 251 to 260 of 1070
  1. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    540
    #251
    OT:curious lang po for example magpapagawa ka sa rapide? magkano ba ang singil? kasi sa servitek sa goodyear mura lang eh bilis pa gumawa tapos pulido. at ang pinakagusto ko eh pinapakita nila yung sirang piyesa.

    ang tanong mas mura ba sa rapide kaya meron pang napapagawa duon?

    curious lang tenx:P

  2. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #252
    May pagka-famous na din kasi ang "Rapide" na name.

    Tapos pag wala ka talagang kaalam-alam sa pagpapagawa ng kotse, naghahanap ka ng okay na shop, makikita mo maganda shops nila tapos naka-uniform pa ang mga employees kaya parang maeengganyo ka subukan. Tapos may waiting area pa na may free coffee, wi-fi at magazines iisipin mo talaga mukhang professional ang mga tao nila.

    Minsan naman swerte din talaga, okay ang serbisyo. But if you're one of the unlucky ones na tatagain ka na nga, pangit pa ang trabaho... naku, isusumpa mo talaga sila.

    Tulad ng ginawa nila sa 'kin. Sobrang laking perwisyo talaga. I was sorely tempted to say, "Sige na, hinto nyo na lahat nang ginagawa nyo. Ibalik nyo na lang mga kinalas nyo, ililipat ko na lang sa iba! Ito na ang 6 thousand nyo, lamunin nyo na lang at sana mabulunan kayo, mga *****!"

    To think, I even tipped the guy repairing my aircon P100 everytime I drove my car home.

  3. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #253
    Quote Originally Posted by kulotz View Post
    OT:curious lang po for example magpapagawa ka sa rapide? magkano ba ang singil? kasi sa servitek sa goodyear mura lang eh bilis pa gumawa tapos pulido. at ang pinakagusto ko eh pinapakita nila yung sirang piyesa.
    Dun sa kwento ko naman, mahal pa nga sila sumingil e. Pero I was thinking, mahal siguro pero sigurado ka naman sa trabaho. Sadly, that was not the case.

    I dunno if I've posted here before, di ko na mahanap e.

    What happened was, I drove my car there to have it checked dahil walang lamig ang aircon. Kasama ng dad ko yung manager o may-ari ng Rapide betterliving noon sa pag-jogging kaya he suggested I try their service.

    Yun, pumunta nga ako and I saw na mukhang may class naman na shop yun: aircon ang waiting room, may wifi, may free water/coffee, may mga magazines... they did some diagnostics and told me I had to leave the car to them, tatawagan na lang daw ako.

    First day, nag-commute ako. Tumawag sila at sira daw ang compressor. 16k daw ang palit. Usap kami ng dad ko tapos finally that same day we decided na buti na ang sigurado-- brand new naman ilalagay kaya siguradong tatagal. I said, okay palit na. I got my car from them the next day, ang lamig na! Parked my car at home then the next day came and when I turned on my aircon, wala na namang lamig!!

    I returned the car to Rapide and had to commute to work again. They again called me up saying may butas daw pala yung hose(?). I was so mad, I said "akala ko ba may laser pa kayo na ginagamit para sa diagnostics nyan?!" They said they were very thorough checking it the first time and they were sure the hose didn't have a hole then. So I had them fix it again and I got the car that afternoon. I was on night duty the same day kaya I drove my car to the hospital and left it there overnight.

    Come the next morning, wala na ulit lamig!! I was so furious and I consulted with my dad, (he's a non-practicing lawyer kasi) at galit na galit din sya. I returned the car to Rapide and demanded they return the old compressor. I was just gonna pay for the hoses. Dad ko at yung friend nya na lang ang nag-usap nun.

    The next day I had to commute again and it so happened that I was involved in a robbery pa. Nakuhanan ako ng 5k at cellphone na top of the line nung time na yun (yung nokia na bilog ang keypad). Malas talaga. Nagkasa ng baril sa FX e, what can you do?

    Nung kinuha ko na yung car ko sa rapide, sa likod at labas ng shop pa nila pinark, mga walanghiya. Tapos when I inspected the engine, may kalat na oil sa makina at wala na yung takip ng saksakan ng freon. I asked them where it is, dati na daw wala yun.

    I said to myself, "hay naku... tapusin na lang natin to." So I left na lang and drove my car to shell lamuan where we usually had our cars serviced. Ayun, after a few days ayos na ang aircon, maliit lang ang binayaran ko at malinis na ulit ang makina.

    Sinumpa ko na ang Rapide. I never questioned their suggestions and I was a very good tipper pa nga e. Tapos ganun ang isusukli nila sa kin.

    Buti nga sa kanila, nagsara ang shop nila after a few months.

    I heard one person at a different shop comment once, "Baka parang Rapide kayo trumabaho ha!" The supervisor said, "Hindi ho, iba ho kami sa kanila."

    Tama ang kasabihan, ang basurang itinapon mo babalik sa yo. Teka, mas maganda yata ang what you sow, you reap.

  4. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    540
    #254
    huwow wawa naman erkon lang nanakawan pa po kayo ng phone

    rapide - rapid na trabaho rapid masira rapid ubos sa bulsa rapid holdap rin po inabot ninyo hehe

    me isa pa na me reklamo dito diba yung zafra ba yun?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #255
    This should be Rapide's new signage:


  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    913
    #256
    sir why dont you make a sticker like that and lets stick it on our cars.. that should be a good way of telling those who dont know the M.O of Rapide.

  7. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    2,421
    #257
    Quote Originally Posted by cocoy View Post
    sir why dont you make a sticker like that and lets stick it on our cars.. that should be a good way of telling those who dont know the M.O of Rapide.
    magdikit din tayo mismo sa mga branches ng rapide para malaman/makita ng mga kawawang magiging customer nila ang totoong reputation ng rapide.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #258
    Quote Originally Posted by cocoy View Post
    sir why dont you make a sticker like that and lets stick it on our cars.. that should be a good way of telling those who dont know the M.O of Rapide.
    Feel free to copy the image and print them out as stickers.


  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #259
    ^^ Thanks sir GH. That`ll be my sig. in no time :bwahaha:




    kidding.
    Last edited by renzo_d10; September 18th, 2009 at 05:33 PM.

  10. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #260
    nice one sir GH! +1 hahaha.

RAPIDE FeedBack Thread [merged] (horror stories & others)