Results 21 to 30 of 33
Threaded View
-
January 2nd, 2012 05:42 PM #1
kwento ko lang experience ko sa hit and run mga brad.
this happened last year ago. 19 years old ako neto, hehe.
nangyari ito nung pauwi ako eh. galing ako sa sta.lucia mall sa cainta rizal. i am residing sa angono rizal so medyo malayo pa going home. gamit ko yung GLS sport adventure namin. kasama ko yung dad ko may binili lang kami sa mall.
nasa part na ako ng taytay rizal nung nangyari to, siguro mga 10pm na. malaki yung daan dun tapos downhill pa so medyo mabilis, 70kph lang naman speed ko. nung nasa may SM taytay na ako, nag bagal na ako to 50kph then suddenly may RED LANCER NA SUPER TAAS NA SPOILER ang lumabas sa parking. luma na ito, di ko alam kung anung model eh basta yung plate number is U ang start.
nasa pinaka left lane ako nung daan then siya ay sa right lane after niya lumabas ng parking sa SM taytay at nauuna pa din ako sa kanya. (3 lanes yung daan eh tapos may U-turn slot dun) nasa right ko siya so go lang ako. then suddenly bumagal ako to 30kph dahil sa isang jeep na pumasok sa lane ko sa left. tapos bigla na lang BLAG sa right side ng adventure namin. nun pala binangga ako nung lancer, mag U-turn pala siya tapos binangga ako. di magkadikit yung sasakyan naming dalawa eh. lagpas ako sa kanya kasi bigla na lang akong binangga.
so huminto na ako nun at bumaba to look for the damage sa car. tinginan nga yung mga tao sa SM dun sa may antayan ng mga jeep at taxi dun. nung nakita ko na, may guhit na pula yung right passenger door ko sa 2nd row hangang sa may fender below the side moulding tapos some part nung side moulding sa chrome part eh may red na guhit din tapos basag yung wheel cap ko na may logo ng mitsubishi. nakahinto din yung lancer at di bumababa yung driver. lalapitan ko na yung lancer then suddenly umandar sya dun sa U-turn slot at tumakbo.
so eto na nga nag-init ulo ko. sumakay agad ako sa sasakyan sabi ko "pa tumakbo eh, tara habulin natin!" so si papa game naman. sabi "sige nak habulin mo, gago yan ah. bahala ka na kung anu gagawin mo." eh di nag U-turn din ako at nag hazard, hinabol ko siya. nakalayo agad eh. nakarating kami sa hiway to tikling (boundary of taytay and antipolo rizal) madaming sasakyan don at bumagal si lancer, naabutan ko na at nasa right lane ako nasa left siya pero nasa likod pa din ako. di pa din ako hinihintuan nung lancer kahi businahan ko na. so habang umaamdar kaming dalawa at nandun lang ako sa right side nya sa likod. tapos nakita ko bigla na may bottled container ng chiz whiz dun sa cupholder sa may kambyo na nakalagay. (naiwan siguro ng ermats ko yun dun.) so ayaw nya huminto talaga kahit anu gawin ko eh. hinawakan ko na yung bottled chiz whiz then binaba ko bintana at ibinato ko sa windshield niya sa likod, ayun basag salamin niya. HAHA. tapos biglang preno ako tapos ako naman ang nag U-turn.
ayun quits na kami. ayaw nya huminto sakin eh, hehehe.
kinabukasan hinilamusan ko yung damage sa adventure. ginamitan ko lang ng paste wax, medyo lumabo yung mahabnag guhit na pula at after 5 days natangal na. tapos nagpunta na lang ako sa planta ng mitsubishi sa cainta para dun sa wheel cap. humingi ako ng isa. binigyan naman nila ako.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines