Results 31 to 40 of 58
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 291
March 29th, 2006 06:44 PM #1Nakademanda pala si John Arigo ng Coca-Cola.
Damaged to property ang kanyang kaso na inihain ni Mario Reyes, owner ng Shell Gas Station sa Quezon Avenue.
Di ko sinasadyang natuklasan ang kaso ni Arigo kundi ko pa nakita ang kaibigang chief mechanic sa Quezon Ave. Shell station na si Glenn Casilao.
Ayon kay Glenn nag-ugat ang kaso noong umaga nang nakaraang Pebrero, bandang alas-sais nang pumarada ang sasakyan ni Arigo.
Dahil flat ang gulong, deretsong tinungo ng PBA player ang kargahan ng hangin.
Nang malamang out-of-order kinuha ang kanyang golf club na nasa kotse at pinagpapalo ang meter display ng kargahan ng hangin sa gulong.
Matapos na nagpapaluin ang machine, ibinalibag ni Arigo ang naputol na golf club at tinamaan ang supervisor na si Janet Castro sa paa.
Mismong tinanong ko si Janet kung bakit hindi niya idemanda ng physical injury si Arigo.
"Hindi naman po ako nasaktan ng todo dahil tumama `yung kanyang golf club sa sapatos ko," sabi ni Janet. Suwerte ni Arigo mabait si Janet.
Ayon kay Janet tatayo na lamang siya at ang ibang boy na naroroon nang maganap ang insidente bilang witness sa kaso.
Magaan lamang ang kasong ito ni Arigo at madaling aregluhin, pero ang kanyang naging aksyon ng umagang iyon ay nakakabahala para sa team ng kanyang pinaglalaruan.
Alam naman natin ang reputasyon ng San Miguel Corp. wholesome image ang ipino-project nito sa publiko at sa ginawa ni Arigo na binabayaran para I-promote ang Coca-Cola tila dapat na bigyan ito ng karampatang parusa.
Ewan ko rin kung umabot na sa kaalaman ng PBA ang ginawa ni Arigo, pero marahil hindi lamang ang SMC kundi maging ang tanggapan ng PBA ang sumuheto sa ganitong pag-uugali ng mga players sa labas.
Isa pa, anong ginagawa ni Arigo sa Quezon Avenue ng ganoon kaaga?
Sabi nga ni Glenn, nababaitan nga kami kapag nagpapakarga siya ng hangin dati, pero nu’ng umagang iyon parang may kung anong sumapi sa kanya.
Wow ha! Kume hindi naman sa nagsa-suggest ako. Baka pwede na ulit buhayin ang drug testing sa PBA.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines