Another risk: dubious condition ng sasakyan.

Sa tingin ko ang usual na nagpapa-salo ng kotse ay yung mga first-time buyers na na-uto sa low downpayment. First-time buyers pa usually mga first-time drivers din so expect na may mga tama ang sasakyan. Kung manual tranny, expect na medyo laspag ang clutch. Expect rin na posibleng kulang sa maintenance lalo't hindi pala afford ang monthly hulog. Expect mo rin na maraming burloloy dahil excited na nagka-kotse.

I once saw someone sa FB na nag-advertise ng pasalo. RFS ay hindi na daw kaya hulugan. Nung sinilip ko ang profile, may fairly recent post siya na nabangga ang kotse nya (not even a minor collision mind you) at hindi pa updated ang bayad sa insurance.