Sa akin ay yung natanggalan ako ng gulong(rear leftside) habang tumatakbo... whewww!

Tantya ko binalak nakawin yung gulong ko pero di natuloy.

Then sa highway medyo may naramdaman akong vibrations pero binaliwala ko.
pagexit ko sa alabang, at ng makarating ako sa bandang tapat ng boi dati, doon biglang bumagsak ang hulihan ng kotsi ko.

Alalay ako sa steering wheel hanggang napahinto ko sa damuhan sa kanang tabi ng kalsada, eventhough none of the breaks worked.

pero pagbaba ko lumiliyab ng apoy sa rear leftside dahil marahil sa friction sa pag-kaladkad ng walang gulong sa kalsada.

mga around midnight na yun kaya walang traffic. (noon yun)

Grabe talaga napatay ko yung apoy gamit ang kung ano ano na lang ang madampot ko.

First lesson ko: dapat pag may nararamdaman ka o madinig kang di ayos sa sasakyan mo ay dapat check agad and never take it for granted.

Second lesson: lagi dapat may fire extinguisher sa sasakyan within reach.

Mayron pang isa. binangga ako while parked by the road side.
Lumusot sa wind shield sya then kitang kita kong bumalentong yung pickup nya pabagsak sa kanya.

hollllyyy mackerelll!!

just can't believed my eyes ng makita ko syang gumagapang palabas sa ilalim ng nakataob na pickup, at sabay tayo nya, then lapit sa akin at tanong kung ok ako... believe din naman ako... kasi ako ang dapat magtanong sa kanya nyan eh.. but anyway ok sya... himala. naayos na rin ang damages at ang dahilan nya ay wala syang tulog kagagaling nya lang sa deretsong tour of duty(sundalo) at sa ospital missis nya kasi kapapanganak lang ng first baby nila. ibinalik ko sa kanya ang part ng settlement namin sabi ko sa kanya for your first baby. hay buhay nga naman.