Tulong naman mga bro. Kasi po yung nabili kong auto (2nd hand na 1991 corona) eh kumakabig ang manubela. nangyayari po eto kapag medyo mabilis ang takbo (mga 60kph) at mejo bigla ang tapak/bitiw ko sa gasolina. bigla po syang kumakabig pakanan/kaliwa. pati po sa lubak, bigla nalang kumakabig (malakas ang kabig nya na para bang lasing akong nagdra-drive) hirap tuloy ako sa handling, baka makabangga ako o sumemplang ako sa bangin. pero kung straight lang na daan at constant ang pagtapak sa gas, wala naman pong problema. sabi po nung isang mekaniko, palitin na daw po yung bushing at steering clamp nya. yun po ba kaya ang talagang dahilan dun? sana po mabigyan nyo ako ng advise, newbie lang po kasi ako sa mga sasakyan eh .