May niligawan ako na kaklase ko kahit alam ko na may BF sya... 11 yrs older yung BF nya.

Sobrang kakulitan ko napasagot ko din yung girl tumagal din kami na 3yrs tapos dun sa BF nya 5yrs, kung baga ako ang kabit. Monday to Friday ako ang kasama syempre sa school lang saka date date sa labas, Saturday and Sunday dun sa BF nya kasi nagwork na yung BF nya.

Masaklap nito nung graduate na kami hindi ako makahanap nang work kasi buyogis ang grades ko saka pangit personality ko noon. Hiniwalayan ako yung BF nya ang pinili nya para pakasalan dahil daw wala daw syang nakikitang magandang kinabukasan sa akin.

Last year hindi sinasadya nagkita kami nung kapatid nya, kwentuhan tapos binigay nung kapatid yung number ko at kinuha ko number. Minsan tinawagan ko para confirmed yung status nya na hiwalay na sa asawa kasi lasenggero at sugarol yung napangasawa nya.

Syempre kwento din ako kung saan ako nakatira at kung ano na inabot ko sa buhay, ayun sabay iyak. Naaawa at natutuwa din ako kasi kung siguro sya napangasawa ko hindi ko mararating ang narating ko. Dahil yun ang naging motivation ko, ang panlalait nya.