
Originally Posted by
makyong
7 years kame ng ex ko.
I was young, idealistic and STUPID, thought everything was perfect. Sabe ko, bago tayo pakasal, gusto ko may bahay at kotse na tayo. Mission accomplished. Nag pagawa ako ng 2storey house sa lote na naka pangalan sa kanya. Bumili ng kotse na naka pangalan sa ameng dalawa. 1month before my planned proposal, nalaman ko, may 3rd party. Meron syang ibang lalake. Here's what i did.
I talked to her Mom. Sabi ko, tita, pwede po ba kayong maghanda nh dinner this
Coming saturday? Sana po lahat andun, meron po akong announcement. Then Saturday came, everybody is present....
Me: ako po ay narito ngayon para mag paalam ng maayos sa inyong lahat, bilang pag galang sa mainit at masayang pagtanggap nyo saken sa inyong pamilya. Ako po ay nalulungkot at ito na po ang huling pagkakataon na tayoy mag kakasama. Minahal ko po si _________ sa abot ng aking
Makakaya at sa lahat ng alam
Kong paraan para sya ay maging maligaya. Sa palagay ko po ay di ako nag kulang sa kanya...___________ , di kita pipigilan kung san ka masaya. Di ako mag hahabol sayo. Di kita guguluhin. Di kita gagambalain. Pero eto ang tandaan mo, wala ka ng babalikan saken. Kalimutan mong nagka kilala tayo...
Lahat tahimik, my ex cried, her
Mom, sister and grandma cried. Before i left, nagmano at yumakap ako sa parents nya..
I never cried. It was after 2 weeks ng mag sink in lahat saken yung nangyare..it's like the darkest hours of my life.
Sabi ng tito ko---in time, tatawanan mo na lang yang nangyare sayo...true enough...