"Be kind, for everyone you meet is fighting a battle you know nothing about"
Hindi niyo alam trauma ng mga tao kaya baka single.
Last edited by _Cathy_; April 3rd, 2022 at 04:05 PM.
Yup, ok lang sakin.. Yung parents ko inu-open na yung topic sakin.. 1-2 years, baka mag-adopt na ako..
Kung loloobin, sana may bahay na ako nun if not baka atrasado pa din yung sa adoption.. Gusto ko kasi new environment, ayaw ko dito sa bahay namin mainit yung kusina hindi ako nagluluto dito.. [emoji23] And walang dedicated na kwarto para sa bata hindi ako makakapag child proof set up dito..
Yaan mo lang sila. [emoji4]
I remember nung inaway ako nung misis ng ex ko, sabi niya to insult me "wala ka kasing pamilya" pertaining to me being single and childless. As if naman I would get insulted. Sa sarili ko lang I'm like "kung tulad mo naman na may asawa't anak nga hindi naman makatulog sa gabi sa kakaselos, lahat ng babae dito inaaway, hindi na lang". Marunong pa sa may katawan. Sila ba makikisama, magpapakain at magpapalaki ng anak? [emoji12]
Sent from my LYA-L29 using Tsikot Forums mobile app
Sobrang pressure for us kasi wala tayong heir. I hope to God magka anak pa ko kahit mahal at mahirap mag IVF pero WCS kung hindi ko magka anak, sana widower maging asawa ko para adopt ko anak niya. I will NOT let my evil ex SIL get my shares
Pero minsan iniisip ko baka naman kaya wala akong anak kasi hindi ako aabot ng old age kasi bihira old age sa side ng Dad ko.
Bakit nga ganun noh? Parang feeling ng mga may asawa at anak na parang mas nakakataas sila sa mga single..
Tapos kung ang single ay babae parang mas lalong awang-awa sila.. Ang saya kaya maging single.. Hindi ko na kailangan ipaliwanag, maiintindihan ako ng kapwa ko single.. [emoji23]
Hindi na lang din ako nagpapa-apekto sa ganyan.. At the end of the day, iba-iba pa din tayo ng goal sa buhay at magkakaiba din tayo ng definition ng success..
You remind me of Justice RVG, ang galing sa comeback LOL Being single is used as an insult na nga. Not all married people are happy naman, e I know first hand among my family and friends, loveless marriages, they only stay together because of the finances or the children. Straight from the horse's mouth yan.
Also, for some people it's easy to be in a relationship and get married. Napagusapan din naman ng friends ko yan. Naalala ko yung guy friend ko told me marriage is a lottery, take the risk. Pero I can't e. Like my 5 yr ex na jobless, he told me if we get married and have children baka yun na ang maging motivation niya to work, paano kung hindi??? Mag isa ko bubuhayin mga anak namin? Parents niya bubuhay samin? Though for some girls okay lang na sila breadwinner, not for me, I need a partner not a burden.
sa Headquarters namin sa Germany naging issue yung mga may anak gusto nila sila priority sa VL, like they get the best dates/holidays, may single ako na colleague nag escalate siya sa Director na unfair daw na pag single parating mga latak dates ang nakukuha hahaha.
Pero mas worse ang mga pinoy sa panlalait at pag question ng mga single. Ako nga pati caretaker ng kapitbahay namin, guard sa building sa office, suki sa palengke, I always get told na mag asawa na. I don't take offense because I know they mean well pero sa west hindi pwede mga ganyan na comments hehe
Last edited by _Cathy_; April 3rd, 2022 at 04:32 PM.
Yan din sabi ng friend ko, kung paano na daw yung mga pinaghirapan ko.. Mapupunta daw sa kamag-anak, kung iisipin ko yun bad trip nga!! Ako nagpakahirap tapos iba ang makikinabang..
Pero sa panahon natin, madami naman paraan/solution ngayon, mamili na lang based sa mga concerns and conditions..
Yung daily life na masaya ka, hindi ko ipagpapalit yun sa bad marriage life.. Ok lang late mag-asawa, mas mature na mag-isip, mahaba na ang pang-unawa at ang pasensya..
Sarap ng problema nyo, walang tagapagmana, ako iniisip ko kung may maipamamana ba kami.