Results 111 to 120 of 135
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2005
- Posts
- 824
April 10th, 2018 05:33 AM #111The 47,500 per day for 4 months a year is on the super high side na. Sa amin maswerte ka na kung may 1 hectare ka per day 2 to 3 at most siguro during peak season. Dahil sa dami na din ng may harvester sa amin wala na magpapa harvest sayo kung 10% pa din ang charge mo. Sa amin 5 or 6 sacks per 100 sacks kanila pa sako.
Sent from my SM-N950F using Tapatalk
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2017
- Posts
- 15
April 10th, 2018 09:13 PM #112Yep, kaya ko hinahanap kung meron bang range ng MC for harvesting kasi most of time si farmer nagmamadali magharvest kahit hindi pa hinog. Kaya end result hindi nabibili ng magandang presyo and minsan nakakalusot sa mga buyers tulad ko, nalusutan ako last month. Wala ako classifier, sariling sikap na lang ang pag tingin at based sa exprience na. Gusto ko kasi tutok ako and maliit pa lang naman ung negosyo ko eh.
Anyway, ngayon ko lng nlaman yang sako na yan. Ang palaging sako dito yung dark green, yung isang gamitan lang at punit agad. Marami nagrereklamo nga eh.
About sa green sa palay, yep mataas ang reseco nyan. Lalo na pag tinusok mo ng kuko mo at lumabas ang parang gatas. Paktay na.
Meron naman din na bago iharvest medyo tuyo na. Tipong half day lang na bilad tuyo na. Jackpot yun.
Sent from my SM-E500H using Tapatalk
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2017
- Posts
- 15
April 10th, 2018 09:44 PM #113About sa Harvester, tama si sir erdie na medyo may kamahalan ang mga ito. Nakakausap ko yung isa sa may-ari ng harvester dito sa area namin, nasa 800k pataas ang presyo. Hulugan yung kanila meron silang 3 na. Siguro may pros at cons pero based sa mga naririnig ko at pagkakaintindi ko medyo mahirap.
Sabi nila kung meron kang Harvester, para ka raw bumili ng alagain. Para kang may batang inaalagaan, siguro kaya nila sinasabi iyon kasi tulad ng sabi ni sir erdie, 6months pa lang may problem na, whether man made or not doon ka mismo sa supplier mo or sa brand mo mismo ipapagawa. Hindi tulad ng sasakyan na ang pyesa kahit saan auto supply meron. Dito kung Kubota ang Harvester mo, kay Kubota ka lang daw makakabili ng parts at si Kubota lang din ang makakaayos ng sira.
Yes, mabilis kapag harvester ang gagamitin, kaso meron din ayaw nito. Sa amin, 10% na lang ang harvest tao at madalas harvester na talaga at sa dami na ng meron na nito hindi medyo mahirap na ang pangarap mong kita.
Dito sa amin, hindi na 10 sacks ang bayad sa harvester. 5-6 na lang dito at depende pa yan kung ilan ang ma-haharvest. May araw na 30 sacks lang ang naharvest kaya ang bayad or unos 1-2 sacks lang. Ang kadalasan na unos dito, yung mga gilid na palay, yung mga madadamo. Sa maliliit na buying station (tulad ko) ang bagsak ng mga ganito.
Since medyo mahal nga ito, ang madalas dito financing ang mga ito. Dito sa amin, hindi monthly ang uso, kapag ganitong season mais ang karamihan na tanim at magagamit mo lang siya around feb-april then July na ulit ang sunod mo kaya meron months na tengga. Kaya quarterly ang bayaran nila. Kaya same lang din ng kay Luap ang scenario sa amin.
Lastly, yung iba walang blower or mahina. Kaya end result pati mga ipa nasasama sa pagsako, magaan at mababa ang recovery. Yung iba kasi pinapatay or pinapahinaan ang blower para daw makatipid sa krudo lalo na kung tight ang budget.
Pero kung ito talaga ang pangarap mo, you should contact sir erdie, kasi yung family nila meron nyan at baka matulungan ka ng mom niya.
-
Tsikot Member
- Join Date
- May 2018
- Posts
- 1
May 8th, 2018 10:08 PM #114Hello mga Sir, tanong ko lang paano pala yung pang tahi sa sako ng bigas?
san po makakabili?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2016
- Posts
- 93
June 13th, 2018 10:42 AM #115Hello, Just an Update.
Coming Items for a Little Upgrade - Destoner and Sifter
received 629588 2 72399 — imgbb.com
received 632489 4 433888 — imgbb.com
received 634 9 69694 389 — imgbb.com
received 634 9 72694 386 — imgbb.com
-
June 13th, 2018 10:57 AM #116
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2016
- Posts
- 93
June 13th, 2018 12:03 PM #117Hello,
I cannot know now how much i already spend, but at 1st i have only 1.2M in my pocket, given that the dryer was given by Farmer's Association then i just grab the opportunity to build a storage building adjacent to it, the land was owned by my Father then parcel of it was donated to F.A for the dryer construction.
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Jan 2015
- Posts
- 4,580
June 13th, 2018 12:56 PM #118i was planning to engage in this business, too, but i changed mind because i pursued another line of undertaking.
the philippine statistics authority releases a monthly update on the farmgate prices of palay and corn. it's a good read to give you an idea of trend in prices. i even downloaded the updates from 4 or 5 years ago to study them.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2016
- Posts
- 93
June 13th, 2018 02:21 PM #119Hello Sir Juan,
Thanks for dropping by, Sir weekly na po nag rerelease ng Update ang PSA ng Farmgate prices, yun ung minomonitor ko and reference as well : )
Share ko yung site ng PSA for others : Updates on Palay, Rice and Corn Prices | Philippine Statistics Authority
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Jan 2015
- Posts
- 4,580
June 13th, 2018 05:56 PM #120oh, that's great! we call it "due diligence."
with the recent ruckus in rice importation right now (jason aquino pushed for G2G in contrast with private enterprise importation being espoused by our financial managers, including the then chairman of nfa council), you are in the right kind of business actually.