Results 31 to 40 of 45
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 10:31 AM #1Hi mga sirs and mams hindi ko po alam kung ito dapat ang thread na pinaglagyan ko pero pakilipat na lang po if mali.
gusto ko lang po maging knowledgeable para matulungan ang bestfriend ko
ito po ang nangyari
nagsimula sya magbuying and selling and he is a seaman so nakabili ng unang kotse na pambenta na naka open deed of sale at nakita nya lang ito sa internet.
binayaran nya ang kotse sa halagang 500,000 pesos so tuwang tuwa siya dahil kala nga nakajackpot siya.
ito na ngayon ang nangyari:
after 1 week may buyer sya dapat ng kotse nya so pina check ng buyer nya sa lto ung or and cr na xerox copy tapos after 1 day tumawag sa kanya tinatanong kung may mortgage release ba yon so sabi nya wala at tinanong nya bakit kailangan ng gnon eh wala naman nakasulat na encumbered sa or at cr na hawak nya tapos sabi ng buyer nya ay may utang pa daw ito sa bangko upon checking nya sa hindi ko alam kung san nya ito pinacheck. nung nalaman ng bestfriend ko kinabahan sya at umiiyak tumawag sakin at naloko daw sya so chineck nmin sa lto at ayon peke pala yung hawak nyang or at cr na kala nya original at totoo may encumbered pa na nasa record daw.
ngayon hindi nya alam ang gagawin nya kasi hindi sya kumuha ng acknowledgment receipt sa binilan nya dahil nagtiwala sya at sabi dito ay naka open deed of sale kaya lalabas sya 2nd owner, tapos tama naman yung first owner at sya nga yung may record talaga sa kotse. bale yung binilan nya ay 2nd owner na. so ang hawak nya lang ay open deed of sale nung first owner at pekeng or cr, ids ng first owner na dalawa at may pirma ng tatlo kada kopya. pero wala syang hawak dun sa binilan nyang pinay at koreano.
hindi nya ngayon magamit ang kotse pero wala naman ito alarm sa lto sa ngayon kasi tinetext nya lagi ito. natatakot sya na baka anytime ideclare ito ng bangko o first owner na nacarnap at baka daw mahuli sya at makulong pa. iniisip nya isurrender ito sa bangko pero nanghihinayang sya sympre kalahating milyon ang halaga ilang taon nya pinaghirapan yon.
ngayon ang tanong nya posible kaya na makulong sya pag nakita na gamit nya ang kotse kahit na may deed of sale sya na hawak from the first owner? kasi ang plano nya ay gamitin ang kotse at di na lang ibenta dahil baka sya pa ang mademande dito dahil lalabas pag binenta nya ay sya ang huling tao na nanloko. sana po at makatulong ito at magserve na warning sa mga tao at sana din ay matulungan nyo kami sa dapat nyang gawin.
maraming salamat po sa mga magrereply
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines