Results 21 to 30 of 45
-
June 10th, 2013 04:14 PM #21
hindi kesyo walang alert sa 2600 lto ay cleared na.
afaik, iba pa ang record ng hpg at yun ang mas delikado kasi pwede syang makasuhan ng carnapping or maimpound yung auto.
it may seem na he lost the gamble on buying a car at a "too good to be true" price.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 04:53 PM #22tingin mo ba sir pwede ito ideclare ng first owner or ng bank as car nap kahit na may deed of sale sya ?
paano po magcheck sa hpg sir kung may kaso yung kotse.
maraming salamat po tiyak makakatulong ito ng malaki sa kanya.
paulit ulit kong sinasabi na pera lang yan at kikitain nya din yan pero til now naguguluhan pa sya
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 273
June 10th, 2013 04:55 PM #23Na-sindikato ba kamo? I-lapit nyo kay Tulfo or Mike Enriquez, baka pwede nyo pa masetup at nang mahuli!!!
-
-
June 10th, 2013 05:05 PM #25
ang mahirap diyan is pag na-declare na nga na carnap yan.
nakwento sa akin ng insurance agent namin na mga recovered high end cars ang service cars nila. minsan daw hindi pa updated yung records ng HPG, at napagkakamalan parin na hot car. minsan daw tinututukan sila ng baril sa kalsada.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 10th, 2013 05:13 PM #26isa pa nga na point yan sir kaya talagang natatakot sya gamitin ito. pero ang pinipilit nya sakin at tinatanong kung pwede kaya talaga madeclare ito na car nap since may deed of sale naman daw sya?
-
June 10th, 2013 06:19 PM #27
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Feb 2013
- Posts
- 487
June 10th, 2013 08:03 PM #28Bakit ba naman kasi nagsusuot ang kaibigan mo sa isang negosyo na hindi nya naman gamay? Ang katotohanan sa buy and sell business ng sasakyan, kahit pa yung mga marurunong na at matagal na sa engosyo na yan ay nagogoyo pa rin.
Wala ka na magagawa or yung kaibigan mo dahil nabili nya na yung sasakyan, at wala na point para habulin nya yung nagbenta sa kanya kasi ang deed of sale na hawak nya ay yung deed of sale na blank ang pangalan ng buyer.
Kung nakamortgage pa yan sa bank, so chances are less than 5 years pa lang ang sasakyan na yan, kasi kung more than 5 years, di na bangko kausap mo nyan, yung mga lending na yan gaya ng asialink etc..
Nung binenta yan dun sa 2nd owner, may deed of sale sigurado nyan ang first owner na pirmado ng 2nd owner, and of course contract na yung 2nd owner ang magpapatuloy ng pagbayad, pero pwede rin wala na yung contract kasi it is understood na kapag binenta mo na may utang, yung binentahan mo ang magpapautloy ng bayad, total the bank has always the option na hatakin sasakyan sa panahon na di makabayad.
And paano ko nasabi na may hawak na may pirmado na deed of sale yung first owner from the 2nd owner, common sense dictates na kapag nakahanap ng problem ang sasakyan, kung kanino nakarehistro yung sasakyan, sya yung hahabulin ng batas, so di naman na ikaw owner bakit mo hahayaan na ikaw habulin kung gamitin sa katarantaduhan yung sasakyan.
Wala na rin pakialam ang first owner kung mahatak yan, kaya nga binenta nya na eh.
So isa lang choice ng kaibigan mo na matino, puntahan nya first owner ng sasakyan or tawagan at pagawa sya bago na deed of sale, then ipatuloy nya yung hulog sa bangko.
Kung gusto nya kabulastugan na sagot, ipachop chop nya sasakyan at ibenta parts, ano bang sasakyan at baka may interesado kami na piyesa.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2013
- Posts
- 24
June 11th, 2013 09:08 AM #29maraming salamat po sa reply sir very informative ito.
ayaw pa po ipasabi ng owner yung kotse nya dahil natatakot pa sya sa ngayon eh.
ang ginawa nyang aksyon pinablotter nga yung binilan nya na koreano at pinay dahil ang hawak nya lang ay pangalan nung mga yon.
tapos ngayon sabi ng pinay napakalaki pa daw ng utang milyon pa daw kaya di nya naiisip na ipagpatuloy pa yung utang nya sa bangko dahil lalo sya mawawala.
kung ichopchop naman iniisip nya baka lalo sya makulong pag nahuli sya since nagpa blotter sya so may record na sya sa pulis sigurado.
pero my tinanggal na naman daw sya na parts kahit papano pero worth 10k lang siguro.
ngayon ginagamit gamit nya yung kotse pero paarnoid sya na baka may sumusunod na sa kanya. sa QC daw nabili yung kotse pero taga indang sya so medyo malayo. 5 buwan na daw na di nahuhulugan ika 6 month na this month.
question nya sir ang hpg ba ay highway patrol?
pano nya daw ito machecheck na kung may alarma na sana po ay may makatulong.
maraming salamat po ulit sa inyo lahat
malaking tulong po ito
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jul 2011
- Posts
- 1,711
June 11th, 2013 09:22 AM #30
Pls share sa friend mo, pero sa pakiramdam ko ikaw din un.
1. aksyon pinablotter nga yung binilan nya na koreano at pinay dahil ang hawak nya lang ay pangalan nung mga yon.
Ok yan ipa blotter mo na ikaw ang bumili in good faith, baka magamit mo ito sa korte in-case na kasuhan ka ng car napping.
2. ichopchop naman
ikaw ay pagdududahan ng korte, paano mo masasabi na hindi ka accessory to the crime? kung alam mo ng meron problem sa documents ung car, tapos gusto mo pang ipagbili sa iba.
3. pero my tinanggal na naman daw sya na parts kahit papano pero worth 10k
Sir kung hindi pa iyo ang sasakyan, i-clear mo muna sa documents na ikaw na ang new owner, same case na yan sa qualified theft.
4. ginagamit gamit nya yung kotse pero paarnoid sya na baka may sumusunod na sa kanya.
Pag ikaw ay kinakabahan, alam mo na pwedeng meron masamang mangyayari, kung ako sa friend mo i-park muna nya sa garage ung car at ayusin muna ang papeles.
Kung ang pagkalugi ng 500k ay magbabalik sa kanya ng peace of mind ipalugi muna, kesa naman mahulihan ka ng sasakyan na questionable ang documents, mas malaki pa sa 500k ang magagastos mo, at the same ung car ma impound.
Cut the losses and move on kung talagang hindi nyo na ma-areglo.
OC: Anti-fencing law: Batas na nagbabawal sa pagbili o pagtangkilik ng mga nakaw na bagay - YouTubeLast edited by Manilablock; June 11th, 2013 at 09:26 AM.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines