Kinda similar situation with TS. I hope ok lang i-hijack ang thread.

Kakabenta lang ng luma naming kotse at naghahanap kami ng replacement. Naglelean ako ngayon sa mga subcompact hatchbacks specifically Jazz and Yaris. Karamihan ng nakikita kong Jazz sa ganitong budget ay around 2009-2013 (gen 2). Yung mga yaris naman ay around 2009 and below pero below 300k lang naman. May ilan akong nakitang recent Yaris. Yung isa nga ang top choice ko: 2015, MT, 28k mileage. Ang problema lang nasa QC siya; taga Batangas kami. Ayaw ng kuya ko dahil hassle daw dahil malayo at kailangan pa ng travel pass atsaka hindi kami sure baka nabaha daw yun. May isa naman na 2014, AT, 56k mileage sa Calamba lang. Comparable ba yung value ng 2014/2015 Yaris sa 2009-2013 na Jazz? Yung mga Jazz kasi, within Batangas lang. Kung kayo papipiliin?

Most of the time ako lang naman ang sakay, minsan may +1 or +2, occasionally +4/5. Kaya gusto ko maliit lang pero flexible din kung sakaling kailangan ng malaking cargo space. Mas ok ba na mag sedan na lang? Mas madami kasi mga City/Vios around the area. Pero nakakahinayang din naman yung trunk space na hindi naman lagi nagagamit tapos potential gas savings pa. How about other hatchbacks tulad ng Mazda 2, Accent etc.? Iniisip ko rin kasi yung future repairs/maintenance kaya nag stick ako sa Toyota/Honda. Anong advice nyo mga maam/sir?