Hi po,

Hingi lang po ako ng advise sa mga marunong po sa Old Volks. Inuwi ko na po kc ung VW Bug ko from Pampanga, kaso nung nasa NLEX na po ako nakaamoy po ako ng Gas. Nung pag exit ko po ng NLEX may kasunod po ako na truck tapos may itinuturo po ung nakasakay sa likod ng Bug ko. Hininto ko sya sa Gasoline station tapos nakita ko nga ung likod na may tumutulo.... Gasoline po sya.. Basang basa ung buong engine compartment. Pina tow ko nlng po sya at baka sumabog po ako dahil malamang galing sa carb ung gas at nasa ilalim ng carb ung distributor.

Ano po kaya ang naging problema ng Bug ko?

Tips po sana sa mga expert sa Volks.

Salamat po.