New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9

Hybrid View

  1. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #1
    Quote Originally Posted by mister.swabe View Post
    Skyg,

    Nag road trip kami ng family ko May last year dala ko Sorento 4x2. Sementado ang daan na walang bitak. may isang portion lang 50 meters lubak kasimay ginagawang bridge. Banaue Hotel kami nag stay last time. Hindi namin napuntahan ang Sagada at that time kasi dumiretso pa kasi ng Vigan Laoag Pagudpud. Palagay ko anyday is a good time a long as hindi maulan. December after christmas ang festival sa Sagada, nabasa ko sa isang travel blog.

    Ngayong Desyembre naman susubukan ko umakyat sa Western side ng Ilocos via Tagudin-Suyo-Cervates-Besang Pass-Tadian-Halsema highway-Sagada. Parang mas mabilis dito kasi patag ang highway up to Ilocos kesa sa via Sta Fe na zigzag sa original route ko.

    Kung may members na nakaka alam ng road condition this time via Tadian, please advice and thanks in advance.

    Enjoy your trip.
    salamat sir... sana matuloy ang plano...

  2. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    360
    #2
    Ilocos-Suyo-Cervantes OKAY naman ang daan.. Huwag ka lang magmamatulin..

    Agree ako kay Syuryuken late Dec-Jan-Feb maganda.. Wala panama ang lamig ng Baguio.. Bentahe kapag nagpupunta kami dito dahil may friend si Esmi na taga-sagada ang Root kaya may mga lugar kaming napupuntahan na hindi kasama sa mga packages..

    Halsema Hi-way from Baguio to Sagada Okay ang daan except sa malapit na Sagada.. May sinking road pero ihanap-ihanap mo na lang kotse mo makakadaan naman..

    Banaue-Bontoc-going Sagada Maayos din..

    Paki-usap lang sa mga baguhang magmaneho sa mga daan na ito including Kayapa-Going-Baguio.. Magdahan-dahan kayo.. 60kph na sabi ni lowslowbenz okay na.. May Mga ibang baguhan kung makapagpatakbo ang tulin, pagdating sa kurbada umaagaw na ng linya dahil hindi kabisado ang daan at hindi macontrol ang sasakyan.. Baka matsambahan nyo mga Bus or Trailer at hindi kayo mapagbigyan baka maging lata ng sardinas mga OTO nyo.. Payo lang naman.. Nasa inyo pa din yan..^_^

Tags for this Thread

Sagada Via Banaue Road Conditions