Mga sir, meron lang sana akong itatanong dahil wala akong alam sa mga makina at pagiging mekaniko. Ang sasakyan namin ay Mazda Friendee Bongo / Automatic Transmission. Mga 1 year noong nabili namin siya, nagparamdam siya ng unang sira at iyon ay sa transmission. Habang siya ay tumatakbo, parang biglang sinakal ang takbo (biglang parang nag-break) at parang bigla siyang nag-shift ng gear at umarangkada. Pinatignan ko ito sa mekaniko sa Shell dito sa amin at ang ginawa ay nilinis ang filter ng transmission at pinalitan ng bagong transmission fluid. Pagkagawa, nawala yung sira ng transmission na umabot ng isang buwan. Noong biyernes, bumalik ulit yung ganung sira ulit ng transmission kaya binalik ko doon sa mekaniko sa Shell at noong tinignan niya ang ginawa niya, sinabi niya na maayos pa rin yung ginawa niya at baka bumigay na daw ang transmission at kailangan na daw ipa-repair.

Itatanong ko lang mga sir kung ano kaya ang sanhi ng ganong symptoms sa transmission saan ang magaling na gumagawa ng transmission dito sa Las Pinas area?

Advance Thank You sa mga sasagot mga sir.