New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 1902

Threaded View

  1. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,163
    #11
    Quote Originally Posted by absinthe View Post
    Nais ng isang kongresista na hingan ng paliwanag ang pamunuan ng Skyway O&M Corp. kaugnay sa nararanasang matinding traffic ng mga motorista sa Skyway na isinisisi sa bagong toll gate.

    Ayon kay Muntinlupa Representative Rozzano Rufino Biazon, maging siya ay nararanasan ang mabigat na daloy ng trapiko mula sa Muntinlupa patungo sa Batasan sa Quezon City.

    Nitong Martes, ipinost ni Biazon sa kaniyang Facebook account ang nasaksihang insidente ng pagtatalo ng mga motoristang nakagitgitan sa skyway.

    "This is the side effect of the new toll collection procedure on the Skyway which has caused heavy traffic from the runway toll plaza to past Bicutan near Sucat on the Northbound lane...tempers flare, aggression is heightened, road rage occurs and accidents happen," saad ng mambabatas.
    Hindi,- iyan ay dahilan ng pagiging arogante nating (kasama ako riyan) mga Pinoy drivers,- walang matinong disiplina ng merging (I assume dahil nga gitgitan ang sinabi).... Gusto, siya palagi ang mananalo sa singitan.... Hayun, sabit... Damay ang lahat sa likuran...

    Ang palpak nga ay iyong doble ang papel na kinokolekta..

    E ang Pinoy drivers (again, kasama ako riyan),- kapag nakuha na ang resibo,- itinatapon sa kaiye (balasubas nga e,- kaganda-ganda ng Pilipinas,- ginagawang malaking basurahan)... Hayun, pagdating sa mga toll gates sa C5,- wala si resibo - itinapon na nga ng balahurang driver e o nawawala dahil nga kulang sa kampanya at edukasyon ng bagong sistema,- e di walang katapusang pagtatalo sa gate,- siyempre entitled ako e, at hindi puwedeng magkamali - naka-kotse ako, kaya dapat ako ang manalo....

    Kayo sa likod na mga sasakyan? Que se joda kayo!

    Basta! Tama ako at makikipagtalo ako,- wala akong pakialam sa inyo! Puny3t*ng sistema iyan!

    Again, kaunting mga bugok na itlog lang,- lahat tayo damay....

    Last edited by CVT; January 31st, 2018 at 11:35 AM.

Tags for this Thread

Slex rfid