Results 41 to 50 of 68
-
August 14th, 2009 12:10 PM #41
I think may dalawang klase ng pagtimpla ng clutch/gas during inclines.
1) stationary (nakabitin na parang naka-brake pero ang gamit ay tamang timpla ng gas/clutch para mapantayan ang incline)
2) atras-abante. (nakabitin habang naglalaro ng timpla ng clutch at gas. Full press ng clutch para umatras), release then gas para umabante ulit habang nasa incline)
+1 ako sa iyo james. ang mahirap sa ibang drivers sa atin natuto sa A/T, ayun naninibago sa M/T. experience lang naman talaga ang kailangan.
ako naman hindi marunong mag A/T hahaha.(never driven one)
-
August 14th, 2009 01:47 PM #42
tama, practice lang..lahat naman ng driver skills dinadaan sa practice diba..
basta kabisado mo yung timpla ng sasakyan mo madali na lang yun..wag lang matataranta
at wag tumutok masyado LALONG LALO NA sa mga pampasaherong jeep, owner type jeep at yung mga pekeng jeep na ginawang isturang CR-V, Adventure, Hi-lander ung harap..dun nadali dad ko buti na lang di halata yung gasgas sa harap
-
August 14th, 2009 02:13 PM #43
Relax ka lang. Wag mag-panic. Keep practicing. Maraming inclines ka mae-encounter lalo na sa Antipolo at Baguio (and some parts of manila) so you really should hone your skills at it.
Pag namatayan ka ng engine and you fear that baka maatrasan yung nasa likod, turn on your hazard lights para tumigil na sila kakabusina. Wag ka magpapanic pag may nagbu-busina. Meron kasing mga bully na dadaanin ka sa ganyan. Yung iba natataranta kaya naaksidente.
-
August 14th, 2009 02:37 PM #44
ouch natamaan yata ako dun hahaha.
share ko lang kahit medyo OT. Dati while driving papuntang work sa Ortigas Avenue near Greenhills, nagtataka ako bakit sa lane namin hindi gumagalaw eh hindi naman traffic ayun namatayan yata or nasiraan (I doubt naman) yung isang Isuzu Crosswind (02 or 03 model), eh nagmamadali ako, siyempre bumubisina ako.
nung nakaliko ako sa kaliwa para makaiwas sa lane na iyon, ayun ang sama ng tingin sa akin nung dalawang babae na sakay ng crosswind.bagong driver pa yata hehehe, nag-panic yata sa mga bumusina tulad ko kaya hindi na mapaandar yung Crosswind. Nung napaandar parang humaharurot papunta sa akin, ayun nagmadali tuloy ako sa drive hahaha, kaya indi na niya ako inabutan. Alto ang dala ko nun.
moral of the story, huwag magpapanic sa driving, meron talagang bully sa kalsada (nataon lang na nagmamadali ako nun) pero hayaan mo lang sila maghintay, basta focus ka lang sa driving mo palagi.
-
August 18th, 2009 10:42 PM #45
naalala ko pag si mama may hawak ng manibela tapos inclined yung road,...pag naka stop then go na sobrang diin ng tapak sa gas, umaabot ng +5 yung rpm,.naiinis ako tsaka naaawa sa kotse namin..
grabe...over rev na yun eh...tapos maamoy mo nalang amoy sunog na clutch....
...wawa naman yung car...
BTW, di na nagana yung handbrake nung car, as in super hina na,di na nakapit,.. kaya hanging nalang...hehe
-
August 19th, 2009 12:21 AM #46
hehe kabado siguro..tsaka mahina loob ng karamihan na mga babae eh IMHO (no offense sa mga girls)
kinwento nga sakin ng barkada ko nung tinuruan daw sya ng tita nya, eh gustong gustong matuto magmaneho nun.. edi 1st try, nung napatakbo na nya after timpla-timplahin yung clutch, sabi ng tita nya "ok na yan, palit na tayo"
haha :bwahaha:
-
August 21st, 2009 11:33 PM #47
haha....atleast di halatang ninerbyos...
uu kabado nga,.. one-day nga pag tapos ko mag carwash ng car namin sa garahe, ginawa ko nilaro ko car(trip lang), ni-drive ko atras-abante, medyo mabilis, eh sakto lumabas si mama, ayun natakot! medyo nanginginig yung boses nya..."UUUUUUYYY BAKA MAIBANGGA MOOOOO!!, NAG PAALAM KABA SA PAPA MO?? wala ka pa lisesnya eh.... " sabi ko naman." hindi yan, alam ko naman eh, dito lang naman .."...tapos ayun hinarurot ko...haha
biruin mo , sa garahe palang yun ah...tsk tsk.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 6
October 26th, 2009 12:46 PM #48Actually its the responsibility of the govt to make sure you know how to operate your car under all circumstances including "hanging" situations and to ensure every car is in proper and working condition. Unfortunately for us napakadali kuhuma ng lisensya without ensuring the eligibility of the applicant being able to drive on our thoroughfares. The result? Accidents. The new drivers have to resort to experiments and are faced with unanswered questions because they did not go thru the proper driving lessons and practices required before they are issued their licenses. This would all be eliminated if new drivers are subjected to proper training before they are issued a driving license. Think about this, how many of the new drivers actually have to start an engine before they get a license? Funny but its true. Most of the time we get our license without even having to sit inside a car! If Sir jajarbingie would have gone thru the proper driving school he would not be faced with his dilema on how to deal with his car in an inclined position. Just my opinion.
-
October 26th, 2009 01:55 PM #49
+1. No offense sa mga "naglagay" pero I had my license in a proper way too. Sa San Juan LTO, ipapadrive sa iyo yung Mitsubishi Lancer Boxtype pawis steering + M/T, tuwang-tuwa nga ako dito hehe. Ako pinakamarunong napansin nung instructor, ayun pati pagmaniobra sa akin pinaginawa.
BTT : inclined roads, I remembered before nung bago palang ako, kapag umaatras na ng kaunti eh napakalakas na ng apak ko sa gas pedal hehe. All I can say, experience lang yan.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Sep 2008
- Posts
- 630
October 26th, 2009 06:21 PM #50+1
I agree sir na dapat alam na natin yung mga kakaharapan natin sa daan.Parang sinasabi ng matatanda na wag ka susugod sa gera kung may baril ka nga wala ka naman bala. tama ba? hehe, Ako nung tinuruan ako mag drive tinuruan ako ng dad ko sa inclined madaming beses with and with out the use of hand break, kaya ayun natuto ako that was 2 years ago before I got my license, I'm just 18yo right now. But I was driving 2 years ago, with my dad of course!
Para hindi OT:
Kung saglit ka lang naman maghihintay na naka inclined as in 5 secs. lang mag break ka nalang (kung kabisado mo kotse mo). Pero kung hindi use your hand break.