Results 1 to 8 of 8
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2009
- Posts
- 27
December 3rd, 2009 04:49 PM #1Advise lang mga sir,
I was involved sa aksidente last March 2009, Traffic that time sa Cainta, Junction sa sobrang pagod ko sumandal ako sa seat at biglang nakaidlip nabigla ako nabangga ko na pala yung nasa harapan ko.
Nung nag usap kami sa driver sinabi ko na lang na lumusot yung preno, inamin ko na agad na ako ang may kasalanan(di ko lang inamin na nakatulog ako), inalok ko sya na kung magkano ang sa tingin nya na babayaran ko sa damage para di na kami umabot sa presinto, hindi daw pwede kasi company car dawYabang pa), so ako sige sabi ko sa presinto na lang tayo at insurance ko na lang ang magbabayad, kinunan kami ng statement ng pulis at lumabas nga eh nabangga ko sya kasi defective brake ako, at nag settle(ako, yung nabangga ko at police)na insurance ko na lang ang mag aayos ng mga damages both side nakipag cooperate talaga ako para wala ng "cheche bureche" kasi kampante ako na insurance ko ang sasagot. Pinababalik kami ng police after 3 hours para makuha yung police report, an hour bago sa pinagkasunduang oras na kukunin ang report, sabi nya nakausap nya ang boss nya at humihingi na lang ng 8k para sa damages, sabi ko na lang sana kanina ka pa pumayag baka nabigyan talaga kita, pero ko may police report na, sabi nya hassle pa daw at matagal pa pag insurance, so sabi ko sana naisip mo yun bago ka pumayag na mag pa blotter...
ang akin lang malaki ang 8k para sa nayuping likod at nabasag na ilaw sa kanan(L300 FB ang sasakyan), so sabi ko mag stick na lang tayo sa unang pinagusapan. Ang lokong driver sabi sa pulis di daw ako nakikipag cooperate, so ako pinuntahan ko yung police at sinabi ko yung gusto nyang mangyari, ang sabi ng mamang police gusto na nga lang akong perahan ang advise nya kung anon napagusapan yun na yun. Ngayon inaantay ko lang ang tawag nya para madala namin sa talyer.
Tanong:
1. Lalabas ba sa ploice report ko na may kaso ako?kahit nag settle kami na insurance na lang ang sasagot
2. Pagnaghabol sya sa akin anong pwede nyang ikaso?
Konting reaction mga sirs, talagang di ako makatulog kasi magrerenew ako ng lisensya sa January
TIA
-
December 3rd, 2009 04:59 PM #2
-
December 3rd, 2009 05:03 PM #3
Nung nakabangga ako dati, dinala kami pareho sa LTO Kamuning para asikasuhin yung police report. Pinagawa kami ng salaysay kung ano nangyari. Nung matapos lahat, bitbit ko na yung police report at iba pang documents. Mula nun, wala na ako narinig sa naka-bangga ko... yung insurance ko na ang nakipag-usap sa repair ng sasakyan nila.
Ang mga gastos ko.. "fees" para sa pag-gawa ng police report, pati yung pag photo-copy ng mga OR/CR at driver's license namin pati syempre yung participation fee ko sa insurance.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2009
- Posts
- 27
December 3rd, 2009 05:17 PM #4ganun nga nakalagay sir ID4LV " both parties agreed that driver 1's (me) insurance firm will pay all cost of damages"...yup meron akong kopya ng report...
kung meron naman sya reklamo siguro papadalhan naman ako ng letter/subpoena di ba? wala pa naman akong natatanggap, sya lang hinihintay ko para mapaayos yung sasakyan nya kasi yung akin ayos na.
-
December 3rd, 2009 05:57 PM #5
Sir, napagawa mo na ba yung auto mo?
Para sa peace of mind mo kausapin mo yung insurance mo na makipag coordinate sa nabangga mo. Meron ka naman siguro number nung kabilang panig. From there, sasabihin naman siguro sayo ng insurance mo ang dapat gawin sa legal na paraan.
-
December 3rd, 2009 06:01 PM #6
sus. huwag mo ng isipin yan, walang problema diyan..kahit walang nakasulat na "settlement via insurance" wala silang pwedeng ikaso saiyo since willing ka naman ayusin yun nangyari thru your insurance and in fact since meron ka ngang insurance eh yun naman talaga dapat ang gagawin mo, kaya ka nga kumuha ng insurance precisely for incident like this.
file mo na sa insurance mo at bahala na sila magusap, huwag ka na makipag communicate sa kanila.
-
December 3rd, 2009 06:06 PM #7
OT (sorry po)
*1D4LV, sir ikaw po ba yung nasa picture sa signature mo? natatawa kasi ako tuwing makikita ko...hehehe! siguro po mahilig kayo sa fighting fish :D
*topic: i agree with sir shadow. Kung magkaron ka man ng problema sa license renewal mo, meron ka naman police report for back up.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2009
- Posts
- 27
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines