Anong pwedeng gawin? May FX kasi kami.. More or less 4 years na yatang naka stuck up lang sa garage namin. Wala naman kasing gumagamit kasi parang coding car lang yung FX and may iba pa namang cars na nagagamit. My dad owned and bought this FX brand new(first/orig owner). Eh hindi ko rin naman kasi pinapakelaman coz hindi naman ako close sa dad ko.

Unfortunately, my dad had a fatal stroke and passed away nung march..

After namin maayos lahat ng dapat ayusin sa mga properties na naiwan ng dad ko, ive decided na paandarin ulit yung FX para may additional income yung mga younger bros ko. Kaso 2008 pa pala yung last registration nya kaya hinanap ko yung mga papers para maparehistro.. Nakita ko yung CR. Pero yung OR di ko makita. My bros has no idea aswell kung asan yung OR. Ang hinala namin, baka na Ondoy.

Now, my questions are, pwede ko pa ba mapagawan ng OR yun? How? and kung pwede pa magawan, how much ang gagastusin? Through legal/legitimate way sana.

TIA. Ü