Mga sir may tanong ako and kailangan ko advice nyo. Last week nahuli ako habang nakamotor. Open pipe kasi tambutso ko and hindi ko alam na may ordinansa sila doon na bawal pala ang open pipe. Enforcer ng Traffic Management division ang nagticket sa akin at kinuha yung driver's license ko.

Ang Driver's license ko ay Temporary license plang and this April 3 ang expiration nung temporary license ko, kaya hindi ko na sya tinubos. Eh Sabi sa LTO kailangan ko pa daw maghantay ng another 3 months kasi wala pa yung Driver's License card.

Ang tanong ko po magaappear kaya yung sa LTO system nila na nahuli ako kahit Traffic Management officer ang nakahuli sa akin?

Salamat mga boss!