Results 1 to 3 of 3
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2014
- Posts
- 10
July 13th, 2014 03:01 AM #1Mga Bossing Newbie po ako dito ,, magtatanong lang po if saan po ba makaka bili ng magandang klaseng Surplus Engine ng Toyota Townace model 1998 , 2C engine na matic , ung di rin po masakit sa bulsa ang presyo , wla po kasi akong idea tungkol po dun , yung daw po bang 3C engine na matic din po ba e pwedeng ireplace sa 2C engine? kasya po ba yun 3C sa engine bay ng Toyota Townace 1998 ? Sana po mabigyan po nyo ako ng info dito... Salamat po ng marami mga Bossing!!!
-
July 13th, 2014 08:25 AM #2
magkasinglaki lang ang 2c at 3c sir. kaya ang tanong nyo po kung kasya ba, kasya yan. pagkakaalam ko din, kasya ang tranny ng 2c sa makina ng 3c. kaso nga lang, may malaking problema ang surplus, di mo alam ang kundisyon sa loob ng makina. baka ilang araw o buwan lang, bibigay yong makina. opinion ko lang to sir, mas sigurado ka sa kundisyon ng makina mo kung ipaoverhaul mo ang sirang makina kaysa bibili ng surplus. at least, alam mo kung ano ang nasa loob ng makina mo. palagay ko rin, mas nakakamura ka pa sa gastusin. ang kailangan nyo lang po, magaling at pulido kung gumawa na mekaniko. hope this helps.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2014
- Posts
- 10
July 14th, 2014 07:45 PM #3Salamat po sa info,, in fact po nai suggest lang sa akin ng mekaniko kasi nagka problema ako sa tranny wlang reverse na sya, and ilang beses na rin pong nag over heat itong makina ng Town ace ko po, ganun din po kasi pag nag sabay ng gamit ang aircon habang nagda drive humuhina ang hatak ng sasakyan,, kya sabi po ng mekaniko na tumuingin po e malambot na raw ang makina kya ganun daw po,, may nagsasabi na ang 2C nga raw po ay madalas nag oover heat, kya isang option po nga kaya talaga e mag palit ng makina na 3C o ipa overhaul na lng po kya? Maraming Salamat po..