kayang kaya yan bro basta ang sasakyan mo in good condition basta pag malapit ka na dun wag ka nang gagamit ng aircon syempre.

meron pa akong napuntahan mas matindi pa dyan from talisay batangas meron isang road dun na sobra ang tarik ng daan at ang kurbada dadaigin pa ang bitukang manok or "Eme Road" ng Atimonan Quezon at pati na rin sa Kennon Road ng Baguio, sa tarik naman dadaigin ang daang papuntang Mt. Samat ng bataan.

yung sinasabi ko papuntang "Leuna De Taal" boundary ng Talisay batangas at tagaytay gamit lang namin dun nung napadaan kami dun yung 1990 corolla XL 1.3 hindi naman kami na hirapan.


basta ang pinaka importante kapag gamit mong sasakyan ay maganda ang kondisyon at higit sa lahat kelangan din malakas ang loob mo at tipong alam mo ang gear na nararapat sa ganung klaseng daanan dahil kung hindi kahit maganda pa ang kondisyon ng sasakyan mo pero mahina ang loob mo baka mabibitin ka lang dun