Results 1 to 7 of 7
Threaded View
-
March 5th, 2008 09:25 PM #1
Napanuod ko din ito sa news kanina.
+1 pra kay Bayani
‘First Responders’ ng MMDA aaksiyon na sa mga kalsada
SISIMULAN nang ipakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “First Respon-ders” team na kinabibilangan ng kanilang mga paramedic, mekaniko at driver na sakay ng motorsiklong handang tumulong sa mga biktima ng iba’t ibang uri ng aksidente sa lansangan.
Pangungunahan nina MMDA Chairman Bayani Fernando, General Manager Robert Nacianceno at iba pang mga opisyal ang paglulunsad ng naturang proyekto sa gaganaping programa sa alas-9:30 ng umaga sa emergency station ng ahensiya, kanto ng EDSA at Timog Ave., Quezon City.
Ayon kay Fernando naisaayos na nila nang husto ang mga panuntunan at alituntunin sa naturang proyekto matapos ang ilang linggong pag-aaral at pagsasanay ng mga personnel na itinalagang gumanap sa naturang tungkulin.
Umaabot sa 30 motorcycle riding first responders ang tutugon sa mga pangangailangan sa loob ng 24-oras na hahatiin sa apat na shift at itatalaga sa apat na emergency stations sa Timog, Katipunan, Ortigas at Libis sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City hanggang Nagtahan sa Maynila.
Ang bawat grupo ng first responders ay may dalang mga first aid kit, medical oxygen tank, fire extinguisher at mga rescue tools tulad ng cutters, spreaders, early warning device at lahat ng uri ng liyabe at heavy equipment na kanilang gagamitin sa para rumesponde sa mga aksidente sa lansangan.
Ayon kay Fernando, may mga nakalagay na sirena, blinkers, paging system at two-way radio na konektado sa Metrobase ang bawat motorsiklo at kanilang namo-mo-nitor ang bawat galaw ng mga ito sa kanilang control center sa Makati City.
Tiniyak ng MMDA chief na pinakamatagal na ang 15-minuto para makapagresponde ang grupo sa mga nagaganap na sakuna sa lansangan tulad ng banggaan, pagkasunog ng sasakyan, oil spills, at landslides. Edd Reyes
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines