Quote Originally Posted by boy_tino View Post
OT:

dami ng negative feedback about Rev-x nung una hindi ako naniniwala na maraming makinang kumatok dahil sa langis na yan.

kapit bahay na lang namin nagbaba ng makina kanina lang dahil nga kahapon nag change oil sila ginamit nilang Petron Rev-X na kulay blue hindi naman sila gumamit ng oil flushing at yung nilalagay ang langis na yang gumamit pa sila ng tela para ilagay sa butas kung saan naglalagay ka ng langis para salain ang langis para masiguro wala syang residue or rebaba na makakasama sa makina yung maubos na ang langis malinis naman ang tela na ginamit bale nabasa lang sya ng langis.

nung nailagay na ang lahat ng langis 15 mins muna pinalipas bago pinaandar ang makina, yung umandar na wala pa yatang 2 mins bigla nag dahan dahan ang andar na parang nahirapan ang umikot ang makina hanggang sa huminto, ng i-start ulit hindi na gumanda ang redondo ng pag-ikot ng makina parang may pumipigil hanggang sa ayaw na umiikot ang makina tapos yung starter gear parang kumakabyos na sa gear ng flywheel paano kumatok na.

nung buksan ang makina kanina wala naman trace na may grinding compound ang langis at nagkaroon ng friction ang crank shaft, cam shaft pati yung mga simms bearing nya..... buti pa hindi pa sila nag change oil muna at pumili sila ng ibang langis baka hindi pa kumatok ang makina ng kapitbahay namin.
What!!! Paano nangyari yan?
Sigurado bang ok ang lube oil pump & oil filter bago na start ang makina. First time kong narinig ang trouble na ito .