Hello, reach out lang sana ako sa issue ko. Car's a Hyundai Accent. Pretty sure familiar na lahat na bouncy yung rear suspension talaga niya as is. Napalitan na ng casa yung shocks, so stiffer na at wala ng issues yun. Ang next problem ko though is nag-upgrade ako ng mags + tires. From 14" (185/70) to 17" (215/45). Okay naman kapag walang karga, pero pag may dalawa o tatlong pasahero na sa likod at matiyempo akong may sudden egress / degress sa highway, nagra-rub yung goma ko sa likod.

Saglit lang naman pag mag-rub at as long as di naman nag-full play yung suspension spring di naman nangyayari. Gusto ko nga lang though ma-eliminate sana entirely yung rubbing, na kahit may kargada sa likod e di tatami yung goma. Note na yung inner parts naman ng goma ang tumatama sa wheel well, at hindi naman sa fender liner.

Any thoughts kung paano ko maii-stiffen up pa yung rear suspension springs? Or may clamp ba akong pwedeng mabili para lang di siya mag full-play during sudden egress / degress sa road? Not sure kung ano yung disadvantages with this approach. Worst-case ko I think is downgrading from 45 series to 40, pero hanggang kaya sana di na ako mauuwi doon, kasi as is pa lang sa 45 ang laki na ng tinagtag ng sasakyan coming from 70 series.

TIA!