Pina alignment/camber ko ung FX dahil bago ung 4 na gulong. Na-correct naman yung dapat ayusin kaso may isa pa na hindi ok dahil may alog na daw ung tie-rod (left side kung nakaharap ka sa FX) at dapat na daw palitan yung steering bushing na kinakabitan nito. Ito daw ang maaaring dahilan kung bakit kusang pumupunta sa kanan yung FX kapag tumatakbo sa even surface road. Ex. tumatakbo ang FX, then bitawan ko ang manibela...ang nangyayari ngayon ay unti-unti napupunta sa kanan yung sasakyan kahit na di lumiliko yung manibela (diretso pa din).

Baka may na-experience na kayong ganitong problema at baka ibang dahilan naman kung kaya kusang pumupunta ang sasakyan kapag nakabitaw sa manibela...Steering bushing nga kaya or kulang pa sa adjust ng camber/toe/alignment... medyo sayang naman kc kung hindi naman steering bushing ang problema. mahal kc labor eh...

salamat po....